ni Macario Salakay Ang mga Tula sa Kanayunan Ay mga Tula ng Digmang Bayan

 

Tipikal na tula
ng Pulang Mandirigma
Ay mga tulang
mabilis na nililikha
Kung may pangangailangan
o pangyayari
Lalarga lahat
pati di makata.

Walang sukat,
walang tugma
Sa iglap isinusulat,
pangahas sa ideya
Walang pakundangan
sa porma
Basta sa sustansya
ay sagana.

Saka na ang kritik
pagkatapos ng programa
Ang tiyak,
lahat ay masaya
Palakpakan,
lalo na ang masa.

Ang pagtula sa kanayunan
ay pag-aaral lumangoy
Kung nasa tubig na,
walang hinihinging kondisyon ni konsentrasyon
Sapat nang alam ang tema,
aabante na
kaya
Kayo na ang bahalang umunawa.
Demokratikong Rebolusyong Bayan
Iyan lang ang
aming kayang i-tula
Pagkat iyan lamang
ang buhay at kamatayan
Ng isang pulang Mandirigma.

Ang mga Tula sa Kanayunan Ay mga Tula ng Digmang Bayan