Archive of International resistance

Partido Komunista sa Turkey, nakatakdang magdiwang ng ika-50 taong anibersaryo
April 21, 2022

Nakatakdang ipagdiwang ng rebolusyonaryong mamamayan ng Turkey at Turkish Kurdistan ang ika-50 taong anibersaryo ng Communist Party of Turkey – Marxist Leninist (TKP-ML) sa Abril 24 ngayong taon. Bilang paggunit sa okasyon, naglabas ng pahayag ang Komite Sentral nito na pinamagatang “Ang ating 50-taong pakikibaka ang ating kapasyahang magtagumpay! Mabuhay ang ika-50 anibersaryo ng ating […]

Kampanya laban sa “Dirty Dozen,” inilunsad
April 03, 2022

Inilunsad noong Marso 29 ng International Coaliton of Human Rights in the Philippines ang kampanya laban sa tinagurian nilang “Dirty Dozen” upang papanagutin ang pinakamalalalang lumalabag sa karapatang-tao sa Pilipinas. Layunin ng naturang kampanya na patawan ng kaparusahan ang 11 matataas ng upisyal ng rehimeng Duterte at isang husgado sa ilalim ng Magnitsky Law ng […]

Isang linggong pakikiisa sa mga rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas at Turkey, idineklara ng CPI-Maoist
March 15, 2022

Idineklara ng Komite Sentral ng Communist Party of India-Maoist noong Marso 1 ang isang linggong pakikisa sa mga rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas at Turkey. Ang tinawag nitong “Linggo ng Anti-Imperyalismo” ay magsisimula sa Marso 23 at magtatapos sa ika-53 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan sa Marso 29. “Itanghal natin ang panawagang ‘Mabuhay ang pagkakaisa at […]

#StopTheBombingsPH, ikinakampanya sa ibang bansa
March 12, 2022

Inilunsad ng grupong Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) ang kampanya para sa pagwawakas sa walang-patumangga at labis na nakasisindak ng mga aerial bombing sa mga sibilyang komunidad sa Pilipinas. Naitala na ang higit sa 200 kaso ng mga aerial bombing at panganganyon ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) […]

Panggigipit sa mga komunista sa Germany, kinundena ng PKP
February 21, 2022

Kinundena kahapon ni Marco Valbuena, upisyal sa impormasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ang isinasagawang pagtugis sa tatlong upisyal ng Marxistisch-Leninistische Partei Deutschlands (MLPD), isang partido komunista ng manggagawang German. Ayon sa MLPD, pinaghahanap ngayon ng Federal Criminal Police Office BKA ang tagapangulo ng partido na si Gabi Fechtner sa buong Europe. Noong nakaraang […]

Bhumkal Diwas, ginunita ng rebolusyonaryong mamamayan ng India
February 20, 2022

Ipinagdiwang noong Pebrero 10 ng rebolusyonaryong mamamayan sa Bastar, isang dibisyon sa estado ng Chattisgarh, ang Bhumkal Diwas bilang paggunita sa makasaysayang pag-aaklas ng mga Adivasi (mamamayang katutubo sa India) laban sa kolonyalistang British noong 1910. Libu-libo ang nagtipon sa mga distrito ng Bastar, Bijapur, Dantewada at Sukma. Itinuturing din nila itong Araw ng Pagkakatatag […]

Condemn the German state for acts of oppression against the MLPD
February 20, 2022 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

The Communist Party of the Philippines (CPP) joins the international proletariat in condemning the German intelligence service for its acts of repression against the Marxistisch-Leninistische Partei Deutschlands (MLPD). The CPP condemns the campaign of the German state, specifically its so-called Office for the Protection of the Constitution, to persecute and slander the MLPD, and spy […]

Malawakang sarbeylans ng CIA sa mamamayang Amerikano, nabunyag sa mga dokumento
February 15, 2022

Ibinunyag noong Pebrero 10 ng dalawang senador na ang malawakang sarbeylans ng Central Intelllgence Agency (CIA) sa mamamayang Amerikano sa nagdaang mga taon. Hawak nina Sen. Ron Wyden at Sen. Martin Heinrich, mga kaanib ng Democratic Party, ang mga dokumentong declassified o isinapubliko na nagsasad na mayroong sikretong lagakan ng datos ng ordinaryong mga Amerikano ang CIA. […]

Tutulan ang pagbabayad sa IMF, giit ng mamamayang Argentine
February 14, 2022

Puu-puong libong Argentinian ang humugos sa mga lansangan ng Buenos Aires, kabisera ng Argentina, noong Pebrero 8 para tutulan ang pakikipagkasundo ng gubyerno ni Pres. Alberto Fernandez sa International Monetary Fund (IMF) kaugnay sa pagbabayad ng $44.5-bilyong utang. “Tutulan ang kasunduan sa IMF!” at “Tutulan ang pagbabayad sa IMF!” ang sigaw ng mga raliyista matapos […]

Ika-50 taong anibersaryo ng Bloody Sunday, ginunita sa Ireland
February 02, 2022

Nagmartsa ang daan-daang mamamayan sa Derry, North Ireland para gunitain ang ika-50 taong anibersaryo ng masaker ng mga sundalong British sa mga nagpoprotestang Irish noong Enero 30, 1972 na kinilala bilang “Bloody Sunday.” Sa masaker na ito, 13 ang agad na napatay at isa ang kalauna’y namatay dulot ng mga sugat na tinamo sa pamamaril. […]