Nanawagan ang International People’s Front sa mga demokratiko at progresibong grupo sa buong mundo na magsagawa ng mga pagkilos at pagtitipon bilang protesta sa nakatakdang pagpupulong ng G7 sa Japan sa Mayo 19-22. “Sa pamumuno ng US, gumagamit ang G7 ng mga sangsyon, lakas militar, interbensyon, agresyon, pananakop at gera para ipataw ang isang internasyunal […]
Nagprotesta sa Dublin, Ireland ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Anti-Imperialist Action Ireland (AIAI) noong Abril 12 kaugnay ng pagbisita ni US President Joe Biden. Ayon sa AIAI, ang pagbisita ng punong hepe ng imperyalistang US ay bahagi ng pagdadawit sa Ireland para maging bahagi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at hatakin sa […]
Nagtasa kamakailan ang Central Military Commission (CMC) ng Communist Party of India-Maoist kaugnay sa mga opensiba ng hukbang bayan sa India laban sa Oplan Samadhan, ang kampanyang panunupil ng reaksyunaryong estadong Indian. Ayon sa CMC, nakapaglunsad ang People’s Liberation Guerilla Army (PLGA), ang armadong hukbo ng CPI-Maoist ng 1,300 taktikla na opensiba sa nakaraang limang […]
Idineklara ng mga organisasyon para sa karapatang-tao at tagasuporta ng pakikibakang Palestino ang Enero 14-24 bilang linggo ng panawagan para sa pagpapalaya kay Ahmad Sa’adat at lahat ng mga Palestinong bilanggong pulitikal. Gugunitain sa linggong ito ang ika-21 taong pagkukulong ng pasistang mga pwersang Israel kay Ahmad Sa’adat na unang ikinulong ng Palestinian Authority noong […]
Itinakwil ng mga manggagawa at mamamayang Brazilian ang naganap na tangkang kudeta noong Enero 8 laban sa halal na presidente ng bansa na si Luiz Inácio Lula da Silva (kilala bilang Lula). Kaugnay nito, nakikiisa ang komite ng International League of Peoples’ Struggles para sa Latin America at Carribean sa panawagan ng aktibong pagpapakilos laban […]
Hindi bababa sa 200 aksyong gerilya ang inilunsad ng mga yunit ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) simula Disyembre 2021 hanggang Nobyembre 2022. Ito ay ayon sa ulat ng Communist Party of India (Maoist). Ipinagdiwang ng CPI (Maoist) at PLGA ang mga tagumpay na ito kasabay ng pagdiriwang sa ika-22 aniberasaryo ng PLGA noong Disyembre […]
Sumiklab noong Nobyemre 14 ang pinakamalaking welga sa sektor ng edukasyon sa kasaysayan ng US nang mag-aklas ang mga manggagawang akademiko ng University of California. Lumahok sa welga ang 48,000 mga manggagawang estudyante (student-worker) mula sa 10 kampus ng unibersidad sa pangunguna ng iba’t ibang unyon. Kinakatawan nila ang apat na uri ng mga manggawang […]
Mahigpit na kinundena ng Communist Party of India (Maoist) ang pagpaslang ng armadong pwersa ng gubyerno ng India sa dalawang sibilyan sa distrito ng Koraput, estado ng Odisha noong Nobyembre 11. Pinalalabas ng lokal na pulis na ang dalawa ay kasapi ng CPI (Maoist) at armadong pwersa nitong People’s Liberation Guerrilla Army. Binansagan ito ng […]
Nakiisa ang mga International League of Peoples’ Struggles-Canada sa internasyunal na kampanya para sa pagbabalik ng mga Palestino at paglaya ng Palestine na inilunsad ng Masar Badil at La Ruta Palestina Alternativa (Palestine Alternative Revolutionary Path Movement) noong Oktubre 29. Sa araw na ito, nagprotesta sila sa Vancouver kasama ang mga kasapi ng lokal na […]
Magkakasunod na protesta ang isinalubong ng mga progresibong organisasyon ng mga Pilipino sa isang linggong pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa United States simula Setyembre 18. Sigaw ng mga Pilipino ang mga panawagang panagutin ang pamilyang Marcos sa kanilang mga krimen sa bayan, korapsyon at paglabag sa karapatang-tao. Kinundena rin nila ang sumisirit na […]