Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Mamamahayag, pinaslang bago ang World Press Freedom Day
Binaril ng dalawang di-nakilalang lalaki si John Heredia, dating direktor ng National Union of Journalist of the Philippines, sa Barangay Lawa-an, Roxas City, Capiz noong Mayo 2. Naganap ito isang araw bago ang anibersaryo ng World Press Freedom Day. Si Heredia ang ika-21 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng rehimeng Duterte. Nakapagtala rin ang Altermidya, […]
2 lider-aktibista, inaresto sa Bicol
Dalawang lider-aktibista ang magkasabay na inaresto ng mga pulis sa Bicol noong madaling araw ng Mayo 2. Inaresto si Dan Balucio, pangkalahatang kalihim ng Bayan-Bicol at pastor ng National Council of Churches in the Philippines, sa kanyang bahay sa Sto. Domingo, Albay. Inaresto naman si Sasah Sta. Rosa, tagapagsalita ng Jovenes Anakbayan, sa Villa Obiedo, […]
Obispo ng UCCP, 5 pa, kinasuhan
Muling humarap sa korte ang obispo ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) na si Hamuel Tequis, kasama sina Rev. Daniel Palicte, Ephraim Malazarte, Grace Avila, Lindy Trenilla at Jong Monzon matapos na buhayin ang gawa-gawang kaso laban sa kanila. Inaakusahan silang pinagsasamantalahan ang mga batang Lumad na pansamantalang kinupkop ng UCCP Haran […]
Patung-patong na hambalos ng mapaminsalang pagmimina
Pinirmahan ni Rodrigo Duterte noong Abril 14 ang Executive Order 130 na nagwakas sa 9-taong moratoryum sa pagbubukas ng mga bagong minahan. Ipinataw ang moratoryum noong 2012 ng rehimeng Aquino III sa ilang protektadong mga lugar habang hindi pa nababago ng Kongreso ang tantos sa pagbubuwis sa mga kumpanya ng mina. Sa panahong iyon, mayroong […]
Pamana ni Duterte: Maruming enerhiya
Ginunita sa buong mundo noong Abril 22 ang Earth Day, ang taunang aktibidad na isinasagawa mula pa 1970 bilang pagpapahayag ng suporta sa pangangalaga sa kalikasan. Sa Pilipinas, inianunsyo ng rehimeng Duterte ang pakitang-gilas na pag-apruba nito sa Nationally Determined Contribution ng bansa sa pagsisikap na mag-ambag umano sa pag-agapay sa global warming. Nakasaad dito […]