Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Protesta kontra ATB: "Hindi ito rali, isa itong mañanita"
Koordinadong mga kilos protesta na tinaguriang “mañanita” ang inilunsad sa Metro Manila at 14 na prubinsya bilang pagtutol sa Anti-Terrorism Bill noong Hunyo 12. Ang mga pagkilos ay harap-harapang paghamon sa idineklara ng Malacañang na bawal magrali. Tinawag itong mañanita para kutyain ang piging na isinagawa ng mga pulis ng National Capital Region para sa […]
"Umiiyak pa rin ako..."
Naiiyak pa rin sa troma ang isa sa 16 na kabataang iligal na inaresto habang nagsasagawa ng mapayapang pagkilos sa Rotonda, Barangay Pala, Iligan City noong Hunyo 12. Karamihan sa kanila ay dating mga mag-aaral ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology. Tapos na ang kanilang pagtitipon nang harangin sila ng mga pulis. Habang umiiwas, […]
Tagapagtatag ng CPA, iligal na inaresto
Inaresto ng militar at inilipat sa pamamagitan ng helikopter si Anne Margaret Tauli, 70, mula sa Besao, Mountain Province noong Hunyo 11. Ang biktima, na ilang dekada nang aktibista, ay dinala sa Baguio City kung saan iniharap siya kay National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon, Jr. Pinalabas ni Esperon na “nagbalik-loob” si Tauli bilang umano’y […]
Pilipinas, pinalilibutan ng mga barkong pandigmang US at China
Matatagpuan ngayon sa silangan at kanlurang bahagi ng Pilipinas ang mga barkong pandigma ng US at China. Kapwa naggigirian ang mga ito. Tumataas ang tensyon at bantang sumiklab ang gera. Malaki ang peligro na malagay ang Pilipinas sa gitna ng armadong tunggalian ng dalawang kapangyarihang imperyalista. Sa West Philippine Sea, permanenteng naka-istasyon ang mga barkong […]
Milyong OFW, istranded sa ibang bansa
Dati nang basura ang turing ng reaksyunaryong estado sa mga overseas Filipino worker o OFW. Lalo itong tumingkad sa panahon ng pandemya. Noong Hunyo 16, 14 na Pilipinong gusto nang umuwi ang pinigilan ng rehimeng Duterte na makaalis ng Amsterdam, The Netherlands dahil kulang ang pasilidad pangkwarantina para sa kanila sa Pilipinas. Ayon sa naturang […]