Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Remitans, nakatakdang bumagsak ngayong taon
Noon pang Abril, tinaya na ng National Economic Development Authority na babagsak nang hanggang 30% ang remitans ng mga Pilipinong migrante ngayong taon dulot ng pandemyang Covid-19. Ito ay dahil halos kalahati ng mga migranteng Pilipino ay nagtatrabaho sa mga sektor na pinakatinamaan ng mga lockdown sa iba’t ibang bansa. Milyun-milyong migranteng Pilipino ang mawawalan […]
Kontra-mahirap na plano sa edukasyon
Walang malasakit at paghahanda. Ito ang bwelta ng milyun-milyong magulang at libu-libong guro kay Rodrigo Duterte at kanyang mga upisyal sa edukasyon kaugnay sa ipinipilit nitong “distance learning” sa pasukan. “Alanganin ang pamamaraang online, modular, telebisyon, radyo at laptop kasi di pare-pareho ang kalagayan ng mga pamilya,” ayon sa isang nanay na myembro ng Amihan, […]
88th IB, pinalalayas ng mga Lumad sa Bukidnon
Naging mainit ang kumprontasyon sa pagitan ng mga Lumad at mga upisyal ng 88th IB sa isang dayalogo na ginanap noong Hunyo 13 sa Cabanglasan, Bukidnon. Pinalalayas ng mga Lumad dito ang yunit militar dahil sa matagal nilang pananatili at panggigipit sa kanilang mga komunidad. Okupado ng mga sundalo ang mga komunidad ng Eyaray, Lakap, […]
Lider ng Kasama-Bukidnon at pamilya, pinagbabaril
Pinaulanan ng bala ng mga hinihinalang elemento ng 88th IB ang tinutuluyan ni Elita Manlapid, 59, at ng kanyang pamilya, sa gabi ng Hunyo 16. Naging tagapangulo si Manlapid ng balangay ng Kasama-Bukidnon sa San Fernado noong 2013. Makailang ulit siyang “pinasuko” ng AFP bilang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan noong 2016 at 2019. Ipinatawag […]
Pinakamataas na tantos ng disempleyo sa kasaysayan, naitala
Kabi-kabila ang tanggalan ng daan-daang mga manggagawa sa harap ng pagsasara at pagkalugi ng mga kumpanya bunsod ng krisis na dulot ng halos tatlong buwang lockdown ni Duterte. Sunud-sunod ang mga kumpanyang nagpabatid na magtatanggal ng mga manggagawa. Kabilang dito ang Bank of Philippine Islands na nagsabing pinagreretiro nila ang 1,286 empleyado nito na may […]