Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Tinik sa daan ng tunay, makatarungan, pangmatagalang pangkapayaan si Sara Duterte
December 04, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Cagayan Valley | Salvador del Pueblo | Spokesperson |

Hindi na nakakagulat ang naging reaksyon ni Sara Duterte mula sa “kalaban ng kapayapaan ang mga kumukwestyon sa confidential and intelligence fund” at ngayon ay “deal with the devil” ang pagpirma ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa Oslo Joint Declaration, ang intensyon ng dalawang panig […]

Ipagdiwang ang ika-59 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Ibayong palakasin ang rebolusyonaryong kilusan ng kabataan at estudyante! Lumahok sa digmang bayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya!
December 04, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Metro Manila | Kabataang Makabayan-Metro Manila (Luzille Gypsy Zabala Brigade) |

Rebolusyonaryo at mapulang pagbati mula sa Kabataang Makabayan-Lucille Gypsy Zabala! Taas-kamaong pagbati sa ika-59 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan. Sa deka-dekadang pagpupunyagi, malaki at makasaysayan ang papel na ginampanan nito sa pagpupundar, pagpapalawak at pagpapalakas ng demokratikong rebolusyong bayan sa buong kapuluan. Sa paghahangad ng pagbabagong panlipunan, ginamit ng kabataang estudyante ang lakas at talino […]

Reaksyon sa mga pahayag ni Galvez kaugnay ng usapang pangkapayapaan
December 03, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nagpapasaring sa pahayag ng Partido at ng iba’t iba pang mga organisasyong nalugod sa Oslo Joint Statement, pinuna ni Sec. Carlito Galvez, dating heneral ng militar at ngayo’y Presidential Peace Adviser, ang mga panawagang tanggalin ang CPP/NPA/NDFP at si NDFP Negotiator Luis G. Jalandoni sa “listahan ng terorista” ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), […]

Palayain ang mga detenidong pulitikal! Isulong ang usapang pangkapayapaan!
December 03, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing ipinapanawagan ng NDFP-ST ngayong Pandaigdigang Araw ng mga Bilanggong Pulitikal ang pagpapalaya at pagbabasura sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa 800 political detainees sa bansa. Dapat agarang palayain ang mga ina ng mga paslit, matatanda at mga maysakit na iligal na ikinulong bilang pagtalima sa International Humanitarian Law. Ang patuloy na pagdetine sa […]

Ilantad ang pakana ng AFP na gamitin ang mga usapan para sa usapang pangkayapaan para sa pasipikasyon
December 03, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Tinutuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa malisyosyong misreprentasyon sa Oslo Joint Statement bilang isang deklarasyong naghahangad na wakasan ang rebolusyonaryong armadong pakikibakang inilulunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa imbing hangarin na gamitin ito bilang pakana para sa pasipikasyon at panunupil. Mahigpit na itinatakwil ng Partido […]