Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Palayasin ang mapanirang operasyon ng pagmimina! Novo Vizcayanos, sumampa sa BHB!
Mistulang asong-ulol na nakawala ang mga pulis na umatake sa mga residenteng mapayapang nakabantay. Silang may hawak na kalasag at batuta, marahas na binuwag ang barikada nang walang kalaban-laban na mga matatanda, kababaihan, at kabataan na walang ibang hawak kundi ang plakard at streamer. Hinarangan nila ang kalsada upang hindi makapasok ang kumpanya ng Woggle […]
Ahente paniktik ng 93rd IB, pinarusahan ng BHB-Leyte
Isang araw matapos ang matagumpay na taktikal na opensiba laban sa 14th IB, pinarusahan naman ng BHB-Leyte Island (Mt. Amandewin Command o BHB-MAC) ang isang ahente paniktik ng 93rd Infantry Battalion. Ipinatupad ng BHB-MAC ang desisyon ng hukumang bayan na patawan ng parusang kamatayan si Jerry Morfe, 54, kasapi ng Barangay Intelligence Network sa Barangay […]
Kawalang katiyakan sa pagkain sa EV, pinalalala ng korapsyon at militarisasyon
Sa ikawalong dekada ng deklarasyon ng Pandaigdigang Araw ng Pagkain, bigo ang nagdaang mga rehimen hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr na tugunan ang batayang karapatan ng mamamayang Pilipino sa sagana, libre, masustansya at abot-kayang pagkain na tuntungan ng deklarasyon. Naging bulag at bingi ang reaksyunaryong estado sa pagresolba sa malawakang kawalan ng […]
Labanan ang mga mapanirang Gemini at Lihangin Wind Projects! Burukrata kapitalismo, ibagsak!
Mariing tinututulan ng mamamayan ng Eastern Visayas ang Gemini at Lihangin Wind Projects, mga proyeketong makasisira sa buhay at hanapbuhay ng daan-daan libong residente ng Calbayog City, Western Samar at San Isidro, Northern Samar para sa kapakinabangan ng dayuhang kumpanyang Vena Energy kakunsabo ang mga lokal na kapitalistang Garcia-Escaño at Aboitiz. Nilalarga ngayon ng rehimeng […]
Nag-ooperasyong tropa ng 14th IB, binira ng BHB-Leyte
Matagumpay na hinaras ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan-Leyte Island (Mt. Amandewin Command o BHB-MAC) ang isang kolum ng 14th Infantry Battalion sa bayan ng Javier, prubinsya ng Leyte kaninang alas-7 ng umaga. Limang metros nalang ang distansya ng mga pasistang tropa sa mga nakakubling Pulang mandirigma nang mapaputukan. Nagtamo ng maraming kaswalti ang […]