Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Paigtingin ang pakikibaka laban sa korapsyon, wakasan ang burukrata kapitalismo
Sa gitna ng nakalulunod na kahirapang ipinataw ng sistemang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino, bumulwak ang mga kilusang protesta ng sambayanan para singilin at papanagutin ang mga pulitiko at kasabwat nitong kontraktor sa talamak na pangungurakot sa pondo ng bayan. Kapuri-puri ang mga protestang isinagawa ng mga komunidad sa mga probinsya at pangunguna ng […]
Mga tampok na tunggalian sa lupa sa rehiyong TK
Sa rehiyong TK, laganap ang tunggalian ng mga magsasaka at panginoong maylupa-malalaking burgesya komprador-burukrata kapitalista. Sa Cavite, iIang dekada nang kinakamkam ng mga Aguinaldo ang Barangay Tartaria, Silang at mga Ramos ang Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas. Anumang oras ay maaaring muling pumutok ang tensyon sa mga lugar na ito. Sa Rizal, kinakamkam ng Sta. Lucia […]
Marcos Jr., numero-unong pahirap sa masang magsasaka
Lalong lumubog ang kabuhayan ng masang magsasaka sa Timog Katagalugan at buong bansa sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II. Inutil at kibit-balikat siya sa hinaing at panawagan ng magsasaka sa kawalan ng lupa, mababang presyo ng produktong bukid, napakataas na gastos sa produksyon, ayuda, mababang sahod ng manggagawang-bukid, mataas na usura at iba pa. Tulad […]
Diwa at pakikibaka ni Ka Dodong sa harap ng mga “proyektong pangkaunlaran” sa Laguna de Bay
Ang bawat hampas ng sagwan ni Ka Dodong sa Laguna de Bay ay kaakibat ng kanyang determinasyong dala ng higit 40 taong pakikibaka sa lawa. Hindi lang isda ang kanyang nakakamit sa paglayag sa dilim tuwing madaling araw—kundi pag-asa, kabuhayan at karapatan laban sa mga pakana ng mga naghaharing uri na kamkamin ang lawa sa […]
Ano ang burukrata kapitalismo? Bakit ito binuo at inaalagaan ng imperyalismong US na maghari sa Pilipinas?
Ang burukrata kapitalismo ang ikatlong salot, sa lipunang Pilipino na pinalitaw at inalagaan ng malakolonyal at malapyudal na sistema sa ilalim ng dominasyon ng imperyalismong US. Ito ang paggamit ng mga nasa kapangyarihan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) bilang malaking pribadong empresa at pagpapairal ng pasismo ng estado laban sa nakikibakang mamamayan upang […]