Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Kumperensya sa Rebolusyong Agraryo sa TK
Tagumpay na inilunsad sa isang larangan sa Timog Katagalugan ang panlarangang kumperensya sa rebolusyong agraryo noong 2015. Dinaluhan ito ng mahigit 100 magsasaka mula sa iba’t ibang baryo at bayan. Bago ang kumperensya, isinagawa ng mga delegado ang pananaliksik at inisyal na pulong para paghandaan ang aktibidad. Tinalakay sa kumperensya ang pagpapatatag ng mga organisasyong […]
Opensiba ng AMC-BHB Quezon at aktibong depensa ng LdGC-BHB Mindoro
Tagumpay ang operasyong haras ng isang yunit ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon noong Setyembre 4 ng gabi sa bagong tayong kampo militar ng 85th IBPA sa Brgy. Cogorin Ibaba, Lopez. Pangalawang beses nang inatake ng BHB ang kampo. Ipinagbunyi ito ng mga residente na malaon nang binubuliglig at ginagambala ng presensya ng militar. Nakapaglunsad naman […]
Pambobomba, panganganyon at pang-iistraping ng 203rd IBde, kinundena ng NDFP-Mindoro
Kinundena ng National Democratic Front-Mindoro ang walang patumanggang istraping mula sa helikopter at panganganyon ng mga pasistang tropa ng 203rd IBde mula hapon ng Setyembre 9 hanggang madaling araw ng Setyembre 10 sa Sityo Tugas at paligid nito, Brgy. San Vicente, Roxas. Naganap ang mga paglabag matapos ang labanan sa pagitan ng yunit ng Lucio […]
Higit 100,000 mamamayan, nagprotesta laban sa korapsyon
Humugos ang halos 2,000 mamamayan ng TK tungong Maynila noong Setyembre 21 para makiisa sa martsa ng bayan na muhing-muhi na sa burukratikong kurakot at katiwalian ng rehimeng US-Marcos II. Lumahok ang delegasyon ng rehiyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-ST (BAYAN-ST) sa pagtungo sa mayor na delegasyon sa Luneta, Maynila. Lumuwas ang mga kabataan, […]
Walkout ng pagkakaisa sa UPLB, isang protesta kontra-katiwalian at kontra-budget cut
Sa gitna ng patuloy na paghihirap ng mamamayan sa mga maling polisiya at katiwalian, muling nagsama-sama ang mahigit 7,000 estudyante, guro at kawani ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) para sa isang makasaysayang walkout noong Setyembre 19. Nagmartsa mula sa iba’t ibang kolehiyo ang mga konseho ng mag-aaral at organisasyon bago nagsama-sama sa […]