Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
(Video) Ang Bayan August 21, 2025 Headlines
Download
Marcos at AFP, napahiya sa sunud-sunod na armadong aksyon ng BHB
Malaking sampal sa mukha ng rehimeng US-Marcos at mga upisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sunud-sunod na armadong aksyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ilang mga prubinsya sa bansa. Kasunod ito ng pahayag ng rehimen na “wala nang grupong gerilya” noong Hulyo sa ika-4 na SONA. Noong Agosto 12, tatlong sundalo […]
Mga protesta
Itaguyod ang IHL, papanagutin si Marcos. Daan-daan ang nagmartsa tungong Mendiola sa Maynila noong Agosto 19 para gunitain ang ika-76 na anibersaryo ng International Humanitarian Law (IHL) at panagutin ang rehimeng US-Marcos sa seryosong paglabag nito sa naturang mga panuntunan. Kinundena rin nila ang National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD) ng […]
Negosasyon sa bagong CBA, naisara ng 2 unyon
Dalawang unyon ang matagumpay na nagpinal ng kani-kanilang collective bargaining agreement (CBA) noong Hulyo at Agosto. Inianunsyo ng Unyon ng mga Panadero sa Gardenia Bakeries Philippines Inc.(UPGBPI-OLALIA-KMU) ang tagumpay sa kanilang pakikipagnegosasyon para sa bagong CBA noong Hulyo 18. Nakamit ng unyon ang ₱70 dagdag sahod kada taon para sa susunod na tatlong taon, dagdag […]
Hors de combat sa Mindoro, sadyang pinaslang
Dinakip at sadyang pinaslang ng mga elemento ng 1st IB at 203rd IBde si Ising Domingo (Ka Mutya), isang hors de combat na Pulang mandirigma, noong Agosto 7 sa Barangay Happy Valley, Roxas, Oriental Mindoro. Nag-iigib siya ng tubig nang nadakip at ipinailalim sa tortyur nang walang makuhang impormasyon sa kanya ang mga berdugo. Sa […]