Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Itigil ang henosidyo sa Palestine
August 21, 2025

Magkahiwalay na mga protesta ang inilunsad ng mga grupong Moro at Pilipino para mahigpit na kundenahin ang pagtindi ng henosidyo ng US-Israel sa Gaza nitong nagdaang mga linggo at ipanawagan ang agarang pagtigil ng mga atake, igiit ang pagpapapasok ng ayuda at kalayaan para sa mga Palestino. Noong Agosto 15, umabot sa 1,300 Moro sa […]

Mga mandirigma ng MILF, inatasang huwag pumaloob sa decommissioning ng GRP
August 21, 2025

Inatasan ng Moro Islamic Liberato Front (MILF) ang lahat ng mga mandirigma ng Bangsamoro Islamic Armed Forces at iba pang ahensya na mahigpit na tumalima sa resolusyon ng Komite Sentral ng MILF na nagsuspinde sa implementasyon ng proseso ng pag-dekomisyon ng BIAF. Naglabas ito ng bagong memorandum noong Agosto 16 kung saan inutos nito sa […]

Gawa-gawang mga kaso laban sa mga bilanggong pulitikal, sunud-sunod na ibinasura
August 21, 2025

Nitong nagdaang mga linggo, sunud-sunod ang pagbabasura sa gawa-gawang mga kaso laban sa 18 bilanggong pulitikal. Pito sa kanila ang nakalaya na. Pinatunayan nito na ang kinaharap nilang mga kaso ay gawa-gawa at walang batayan. Layon lamang nitong gipitin at matagalan silang imbimbin sa mga kulungan. Noong Agosto 14, nakalaya ang konsultant ng National Democratic […]

Badyet 2026: Badyet pambayad-utang, para sa korapsyon at pasismo
August 21, 2025

Walang pinag-iba ang layunin at diin ng pambansang badyet para sa 2026 sa badyet ng nakaraang mga taon. Nakatuon pa rin ito sa pagbabayad ng utang, pagbubundat sa mga burukrata-kapitalista at kasabwat nilang mga burgesyang kumprador, at pagwawaldas sa dambuhalang pasistang makinarya ng estado. Sa halagang ₱6.79 trilyon, mas malaki nang 7.4% ang isinumiteng 2026 […]

Tumitinding agresyon ng mga plantasyong komersyal sa ilalim ng rehimeng US-Marcos
August 21, 2025

Walang habas ang pagpapalawak ng mga plantasyong komersyal sa ilalim ng rehimeng US-Marcos na umaagaw sa lupa at kabuhayan ng mga magsasaka, manggagawang-bukid at mga katutubo sa iba’t ibang panig ng bansa. Noong Agosto 3, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang pagbuo ng Joint Memorundum Circular na kinabibilangan ng 38 pambansang ahensya ng gubyerno […]