Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

(Video) Sa madaling salita
July 07, 2025

Download

Pabigat na buwis sa mamamayan, pagaan naman sa mga dayuhan
July 07, 2025

Sa nagdaang mga dekada, pabigat nang pabigat ang patung-patong na buwis na ipinapapasan sa mamamayang Pilipino, na lalong naglugmok sa kanila sa kumunoy ng kahirapan. Sa kabilang banda, pagaan nang pagaan ang buwis na sinisingil sa pinakamalalaking burgesya komprador at mga dayuhan at lokal na kumpanya, na lalong nagpapalaki sa kinakamkam nilang tubo. Ilang dekada […]

Malapyudal na pang-aapi sa mga magsasaka ng gulay sa Bukidnon at Lanao del Sur
July 07, 2025

Isang ektaryang lupa o mas maliit pa ang karaniwang sinasaka ng mga maralita at panggitnang magsasaka sa hangganan ng Bukidnon at Lanao del Sur. Karaniwan silang nagtatanim ng gulay tulad ng kalabasa, sili, repolyo, patatas, karots, kamatis, Baguio beans, atsal, talong at brokoli, at maging kamote at mais. Patung-patong na malapyudal na pang-aapi ang dinaranas […]

Pamamaslang sa mga sibilyan at hors de combat, naitala sa Masbate, Leyte at GenSan
July 07, 2025

Sa nagdaang mga linggo, naitala ang limang biktima ng pampulitikang pagpaslang ng mga pwersa ng estado. Liban dito, mayroon ding mga kaso ng pag-aresto, pamamaril at panggigipit. Dagdag ang mga ito sa patung-patong na krimen ng rehimeng US-Marcos sa tatlong taon sa poder. Sa Masbate, niratrat ng bala at napatay ng mga pwersa ng estado […]

Tunay na kapayapaan, panawagan ng mga taong-simbahan at ibang sektor
July 07, 2025

Ginanap sa Rome, Italy noong Hunyo 27-28 ang “Pagtatanim: Sowing Seeds of Faith Solidarity for the Filipino People’s Struggle for Peace,” isang pagtitipon ng higit 70 kinatawan ng iba’t ibang pananampalataya at mga grupo sa karapatang-tao mula sa 13 mga bansa. Isinagawa ito sa harap ng kagyat na pangangailangan para sa pagkakaisa sa hanay ng […]