Tunay na kapayapaan, panawagan ng mga taong-simbahan at ibang sektor

,

Ginanap sa Rome, Italy noong Hunyo 27-28 ang “Pagtatanim: Sowing Seeds of Faith Solidarity for the Filipino People’s Struggle for Peace,” isang pagtitipon ng higit 70 kinatawan ng iba’t ibang pananampalataya at mga grupo sa karapatang-tao mula sa 13 mga bansa. Isinagawa ito sa harap ng kagyat na pangangailangan para sa pagkakaisa sa hanay ng taong simbahan para suportahan ang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kapayapaan.

Nagtipon rin ang mga kinatawan ng iba’t ibang grupo at sektor sa ginanap na Mindanao-wide Peace Conference noong Hunyo 24 sa Cagayan De Oro City sa pangunguna ng Council of Leaders for Peace Initiatives. Panawagan nila na suportahan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP na tutugon sa mga ugat ng armadong pakikibaka sa bansa.

Tunay na kapayapaan, panawagan ng mga taong-simbahan at ibang sektor