Apela para sa pansamantalang paglaya ni Duterte sa detensyon ng ICC, tinutulan

,

Mariing tinutulan ng mga pamilya ng biktima, abugado ng karapatang-tao, at progresibong organisasyon ang apela para sa pansamantalang pagpapalaya sa dating pangulong si Rodrigo Duterte mula sa pagkakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, The Netherlands. Anila, ang hakbang na ito ay banta sa hustisya para sa libu-libong pinaslang sa ilalim ng “war on drugs” at magpapalakas sa kultura ng kawalang pananagutan sa mga krimen laban sa sangkatauhan.

Binigyang-diin ng mga biktima at pamilya ng mga biktima na mapanganib ang apela dahil maaaring gamitin ito ng kampo ni Duterte para takutin ang mga nananawagan ng hustisya.

Nanawagan sila sa ICC na huwag pagbiyan ang apela. Anila, nananatiling makapangyarihan sa pulitika ang pamilyang Duterte sa Pilipinas, at sa katunayan ay patuloy na nananaig ang anak na si Sara Duterte na patuloy na nananaig sa kabila ng kasong impeachment laban sa kanya.

Apela para sa pansamantalang paglaya ni Duterte sa detensyon ng ICC, tinutulan