Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Ipagbunyi ang tagumpay ng welga ng mga manggagawa sa Nexperia! Uring manggagawa, tanganan ang sulo ng militanteng pakikibaka at proletaryong rebolusyon!
March 26, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati at nagpupugay ang National Democratic Front-Southern Tagalog sa mga manggagawa ng Nexperia Philippines at kanilang mga tagasuporta sa matagumpay nilang welga noong Marso 5-8. Naparalisa ng kanilang solidong pagkilos ang produksyon ng kumpanya na nagdulot ng ₱1.96B kawalang kita sa kapitalista. Matapos ang halos 4 na araw na welga, nakamit ng mga manggagawa sa […]

Hindi kayang dungisan ng mga buladas ng AFP ang ningning ng ika-56 anibersaryo ng NPA
March 25, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Masigabo at militanteng sinasalubong ng mga yunit ng NPA Southern Tagalog kapiling ang mamamayang api’t pinagsasamantalahan ang paparating na ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA sa Marso 29. Taas-noo at taglay ang diwang palaban, ipinagmamalaki ng NPA ang tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan na biguin ang itinakda ng rehimeng US-Marcos II na deadline ng pagkawasak ng […]

Itinatakwil ng mamamayan ng Cagayan Valley ang Balikatan 2025
March 25, 2025 | NDF-Cagayan Valley | Salvador del Pueblo | Spokesperson |

Mariing tinututulan mga mamamayan ng Cagayan Valley ang Balikatan Exercise 2025 laluna sa paglulunsad nito ng mga pagsasanay sa kalupaan, baybayin at himpapawid ng rehiyon. Matinding teror at troma na naman ang idudulot nito sa mga sibilyang komunidad na taun-taong naliligalig dahil sa mga war games na ito. Noong Marso 24, upisyal nang binuksan ang […]

Panagutin si Duterte sa krimen laban sa sangkatuhan, singilin si Marcos Jr sa tumitinding pasismo ng estado laban sa mamamayan
March 22, 2025 | Communist Party of the Philippines | CPP Cagayan Valley Regional Committee | Regional Education Department |

Noong March 11, hinuli ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang pasistang tirano na si Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) noong March 7 sa kasong krimen laban sa sangkatauhan ng pagpatay (crimes against humanity of murder). Kung tutuusin, long overdue na ang kaso na isinampa […]

Kundenahin ang nagpapatuloy na pasistang pamamaslang ng rehimeng US-Marcos sa Negros
March 21, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Negros Island | Bayani Obrero | Spokesperson |

Matinding kinukundena ng National Democratic Front-Negros (NDF-Negros) ang patraydor at malupit na pagpatay sa mga tauhan ng NDF-Negros na sina Nonoy Ponteras (Ka Jojo) at Marisa Pobresa (Ka Kim). Noong Marso 7, alas 8 ng gabi, pwersahang dinukot ng mga operatiba ng Crime Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP) at mga tauhan […]