Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Sa madaling salita
Pagmimina ng San Miguel sa South Cotabato sa kabila ng pagtutol at peligro
Sa Barangay Ned, Lake Sebu sa South Cotabato, mula pa 2022, walang tigil ang paghuhukay ng karbon ng malalaking makinarya ng Daguma Agro Minerals Inc at Bonanza Energy Resources Inc, mga kumpanya ng San Miguel Energy Corporation (SEMC). Tuluy-tuloy ang pagmimina sa kabila ng pagtutol ng mga residente, taong-simbahan, mga grupong maka-kalikasan at maging ng […]
(Video) Sa madaling salita
Download
Pagpapalawak ng SMC ng plantang coal-powered sa Zambales, tinutulan
Mula Mindanao hanggang Luzon, walang awat ang pandarambong ng San Miguel Corporation (SMC) ng malaking burgesyang si Ramon Ang sa likas na yaman ng bayan na pumipinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan. Sa Zambales, tinututulan ng mga residente, maka-kalikasang grupo at mga taong-simbahan ang balak ng San Miguel Global Power (SMGP), subsidyaryo ng SMC, […]
Mga protesta
Protesta ng mga drayber sa Catarman. Nagtipon ang 300 drayber ng traysikel na may rutang University of Eastern Philippines-Catarman noong Setyembre 8 para iparating ang kanilang pagtutol sa napipintong pag-agaw ng isang kooperatiba sa kanilang ruta. Ang atakeng ito sa kanilang kabuhayan ay bunsod ng PUVMP (PTMP) na nagbukas sa iba’t ibang ruta ng […]