Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
(Video) Ang Bayan September 21, 2024 Headlines
Download
Dagdag-sahod ng mga manggagawang-bukid sa Negros, naipagtagumpay
Naipataas ng mga manggagawang-bukid sa tubuhan sa Barangay Kahil (hindi tunay na pangalan) sa timog na bahagi ng Negros ang arawang sahod matapos sama-samang harapin ang dalawang panginoong maylupa noong Hunyo. Sa ulat ng Ang Paghimakas, pahayagan ng rebolusyonaryong kilusan sa Negros, naitaas ang sahod mula ₱200-₱220 tungong ₱250, habang ang pag-aararo mula ₱700 tungong […]
Tatlong martir ng Cagayan Valley, pinarangalan
Pinarangalan ng rebolusyonaryong kilusan ang tatlong Pulang mandirigma at kadre ng Partido sa Cagayan Valley na namartir noong Setyembre 11 sa Barangay Baliuag, Peñablanca, Cagayan. Kinilala sila na sina Ariel Arbitrario (Ka Karl), Danielle Marie Pelagio (Ka Seed) at Erin Sagsagat (Ka Jorly). Si Ka Karl ay konsultant sa usapang pangkapayapaan ng NDFP. Tubong Davao […]
Mapagsamantalang sistemang "piece-rate" sa pagawaan ng sabon
Nakadepende sa dami ng sabon na nalilikha ng mga manggagawa tulad ni Mae ang kanilang iuuwing kita sa pagtatapos ng linggo. Nakapailalim siya at kapwa niya mga manggagawa sa tinatawag na sistemang “piece-rate” o por-piraso. Labag ito sa karapatan ng mga manggagawa sa bayad na 8-oras na araw ng paggawa. Sa kanilang pagawaan, karaniwang pumapatak […]
Pakikibaka ng kabataan para sa demokratikong karapatan noong batas militar
Nang ipataw ng diktadurang US-Marcos ang batas militar noong Setyembre 1972, tahasang ipinagbawal ng rehimen ang mga konseho ng mag-aaral, mga organisasyon, kapatiran at mga publikasyon sa mga unibersidad at eskwelahan. Bahagi ito ng pangkabuuang panunupil sa demokratikong karapatan ng mga kabataan at ng buong bayan. Itinuring na banta ni Marcos sa kanyang paghaharing militar […]