Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mga Bayani ng Agosto ng Panay, pinarangalan
September 07, 2024

Higit 100 katao ang dumalo sa isinagawang programa ng parangal para sa mga Bayani at Martir ng Agosto ng Panay noong Agosto 26 sa Iloilo. Dumalo dito ang mga kaibigan, pamilya at mga dating kasama ng 11 nabuwal na mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Panay at mga kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas […]

Pandaigdigang suporta sa rebolusyong Pilipino
September 07, 2024

Iba’t ibang tipo ng aktibidad ang inilunsad ng mga balangay ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) sa Asia, Australia, Europe at North America para ipahayag ang kanilang pakikiisa sa rebolusyong Pilipino at manawagan ng suporta para dito. Isinagawa nila ang mga pagkilos noong Agosto 26. Sa US, inilunsad ng mga kasapi ng […]

Ang krimen ng sapilitang pagkawala
September 07, 2024

Sa loob ng huling linggo noong Agosto, tatlo ang biktima ng sapilitang pagkawala ng armadong pwersa ng rehimeng Marcos. Naganap ang mga krimen ilang araw bago gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecido noong Agosto 30. Ang sapilitang pagkawala ay maituturing na krimen laban sa sangkatauhan kung ang mga ito’y bahagi ng malawakan o sistematikong […]

Mababang pamantayan sa kahirapan, instrumento para baratin ang sahod
September 07, 2024

Kabi-kabila na batikos ang inabot ng rehimeng Marcos nang ipagtanggol ng mga upisyal nito ang ₱21/kainan o ₱64/araw bilang pamantayan ng gutom at ₱91/araw bilang pamantayan ng kahirapan. Gamit ito, pinalalabas ni Marcos na hindi na “hirap sa pagkain” ang isang 5-ka-taong pamilya na gumagastos ng ₱9,581/buwan. Gamit ang imbentong mga presyo at singil, ipinagmalaki […]

Nagpapatuloy na protesta kontra jeepney phaseout at pwersahang konsolidasyon
September 07, 2024

Sa Bacolod, nagsagawa ng surpresang pagkilos ang United Negros Transport Coalition (UNTC) sa loob ng city hall ng Bacolod City noong Agosto 28 para makipagdayalogo sana sa meyor tungkol sa pagpapatigil sa makadayuhang PUVMP (ngayo’y PTMP). Hinarap sila ng sanggunian na naglabas ng resolusyon para hingin sa LTFRB na iatras ang programa at ibalik ang […]