Pandaigdigang suporta sa rebolusyong Pilipino

,

Iba’t ibang tipo ng aktibidad ang inilunsad ng mga balangay ng Friends of the Filipino People in Struggle (FFPS) sa Asia, Australia, Europe at North America para ipahayag ang kanilang pakikiisa sa rebolusyong Pilipino at manawagan ng suporta para dito. Isinagawa nila ang mga pagkilos noong Agosto 26.

Sa US, inilunsad ng mga kasapi ng grupo ang koordinadong mga talakayan at militanteng demonstrasyon sa Baltimore, Portland, Seattle, Los Angeles, New York, San Francisco at Orange County. Liban dito, itinatag rin sa bansa ang dalawang bagong kasaping organisasyon na Tanod Lupa at Guerrero. Nagkaroon din ng mga aktibidad sa Canada, The Netherlands, Finland, France, Germany, Spain, Switzerland, Denmark, Greece, Austria at sa United Kingdom, Sa Mexico, puu-puong aktibista ang nagtipon sa plasa sa Oaxaca para magsagawa ng programa.

Pandaigdigang suporta sa rebolusyong Pilipino