Nagpapatuloy na protesta kontra jeepney phaseout at pwersahang konsolidasyon

,

Sa Bacolod, nagsagawa ng surpresang pagkilos ang United Negros Transport Coalition (UNTC) sa loob ng city hall ng Bacolod City noong Agosto 28 para makipagdayalogo sana sa meyor tungkol sa pagpapatigil sa makadayuhang PUVMP (ngayo’y PTMP). Hinarap sila ng sanggunian na naglabas ng resolusyon para hingin sa LTFRB na iatras ang programa at ibalik ang indibidwal na mga prangkisa matapos sila dinggin.

Noong Setyembre 2-3, nagpiket sa upisina ng LTFRB Region 6 ang UNTC, kasama ang mga grupo ng tsuper sa Panay. Inihatid ng grupo ang resolusyon ng lokal na gubyerno ng Bacolod City para itulak ang ahensya na gumawa ng hakbang.

Samantala, isinumite ng Piston noong Agosto 28 ang isang petisyon na may pirma ng 1,000 drayber na nais umatras sa mga konsolidadong prangkisa na napwersa silang pasukin.

Nagpapatuloy na protesta kontra jeepney phaseout at pwersahang konsolidasyon