Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Sawa na ang masa sa papet, korap, pahirap at pasistang rehimeng US-Marcos II
August 24, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Nag-iibayo ang diskuntento at disgusto ng mamamayang Pilipino sa rehimeng US-Marcos II at sa buong sistemang malakolonyal at malapyudal dahil sa pagsahol ng sosyo-ekonomikong krisis, garapalang korapsyon at umaalingasaw na bulok na pulitika. Ito ang malinaw na hindi mailingid na resulta ng mga sarbey ng mga burgis na institusyon na inilabas nitong Agosto. Hindi maitago […]

Ang Peace Talks ay Hindi Pagtatakwil ng Armadong Pakikibaka ng Mamamayan
August 24, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Sagad sa buto ang pagiging kontra-kapayapaan ng dating Heneral Eduardo Año na ngayo’y pinuno ng National Security Council. Nakakasuklam ang pahayag niyang malabong maganap ang peace talks sa pagitan ng NDFP at GRP dahil sa hindi pagkakaunawaan at pagkakasundo. Ipinasa pa ni Año ang sisi sa NDFP, gayong ang NSC ang numero unong kapos ang […]

Eduardo Año: berdugo, kontra-kapayapaan at perwisyo sa masang Palaweño! Peace talks, ituloy!
August 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Tinutuligsa ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)-Palawan at buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan ang pahayag ng berdugong si Eduardo Año hinggil sa peace talks. Ang kanyang arogante at puno ng kasinungalingang pamamahayag ay malinaw na pagpapakita ng kanyang pagiging sagad-saring kontra-kapayapaan, kontra-mamamayan, makadayuhan at pahirap sa mamamayang Pilipino. Ang totoo, si Año, sampu […]

Igalang ang karapatan ng mga rebolusyonaryong pwersang nakikidigma sa Pilipinas!
August 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ang naglalagablab na digmang sibil sa Pilipinas sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusan sa pamumuno ng PKP-BHB-NDFP at ng reaksyunaryo’t tutang estado ng GRP ay isa ring larangan ng paggigiit ng karapatan at dignidad ng tao. Sa proseso ng digmang sibil, talamak ang paglabag ng GRP sa karapatang tao at internasyunal na makataong batas (IHL). Isa […]

Rebolusyon hindi kapitulasyon ang daan sa tunay na kapayapaan!
August 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Ilocos | Rosa Guidon | Spokesperson |

Nitong Agosto 19, lumabas ang pahayag sa publiko ni Eduardo Año, adviser ng National Security Council na tumututol sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP at ng kanilang gubyerno. Ang ubod ng kaniyang pahayag ay dahil sa umano’y pagtanggi ng CPP-NPA-NDFP na magbitaw sa armadong pakikibaka, na ibinibigay ng reaksyunaryong estado na kondisyon […]