Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Alalahanin lagi ang mga Bayani at Martir ng Rebolusyong Pilipino
August 26, 2024 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nakikiisa kami sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng Sigaw ng Pugad Lawin noong Agosto 23, 1898. Sa harap ng pambansang pang-aapi, nagbangon ang sambayanang Pilipino halos 130 taon na ang nakararaan upang ipaglaban ang pambansang kalayaan laban sa kolonyalismong Espanyol. Sa loob ng mahigit isang siglo at sangkapat mula noon, walang humpay silang nakipaglaban upang […]

Habampanahong alalahanin ang mga Bayani at Martir ng Agosto ng Panay
August 26, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Central Committee |

Ibinibigay ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pinakamataas na parangal kina Maria Concepcion Araneta-Bocala (Ka Concha), Vicente Hinojales (Ka Hadjie/Ka Emil) at sa Mga Bayani at Martir ng Agosto ng Panay. Sila’y mga kadre ng Partido at Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na namatay sa pakikipaglaban sa pasistang rehimeng Marcos, […]

Puspusang isulong ang armadong pakikibaka at kamtin ang kapayapaang nakabatay sa katarungan!
August 25, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Kontra kapayapaan at di mapagkasundo ang pinuno ng National Security Council na si General Eduardo Año sa iresponsableng pahayag nito hinggil sa pagpapatigil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas(GRP) at ng National Democratic Front of the Philippines(NDFP). Ang hakbanging ito ng National Security Council at ng rehimeng US-Marcos II ay […]

Digmang Bayan ang magluluwal ng tunay na malaya, demokratiko, masagana at payapang kinabukasan para sa mga kabataan!
August 25, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Kabataang Makabayan-Mindoro |

Kailanma’y hindi naghangad ng tunay na kapayapaan ang rehimeng US-Marcos II. Muli nila itong pinatunayan sa pahayag ng Kalihim ng National Security Council na si Eduardo Año hinggil sa usapang pangkapayapaan. Liban sa pagsasara sa usapang pangkapayapaan, ipinagmayabang din ni Año na diumano’y umuusad at nagtatagumpay ang digmang kontra-insurhensya ng reaksyunaryong gubyerno upang ipilit na […]

Año: notoryus na peace saboteur sa Pilipinas
August 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Muling pinatutunayan ni National Security Adviser Eduardo Año ang pagiging nangungunang peace saboteur sa Pilipinas. Sa kanyang bibig mismo nanggaling na hindi niya nakikitang magaganap ang peace talks habang nagkakalat ng lason na “hindi nagkakaisa ang rebolusyonaryong kilusan sa pagharap sa negosasyon.” Malinaw na mga pakana ito para muling ibahura ang peace talks. Bilang isang […]