Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Malayo sa katotohanan ang ikatlong SONA ni Marcos Jr
Malayung-malayo sa katotohanan at sa araw-araw na pagdurusa ng mamamayang Pilipino ang ipinahayag ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22. Ginamit niya lamang ang SONA para pagtakpan ang krisis sa ekonomya at ulit-ulitin ang kanyang mga tunog-engrandeng “tagumpay” at ipinangangalandakang “Bagong Pilipinas.” Lumikha si Marcos ng […]
Korapsyon at pasismo ang mukha ng SBDP ng NTF-Elcac sa Northern Samar
Panahon na naman ng pagdinig ng pambansang badyet sa Kongreso. Tulad ng inaasahan, bilyun-bilyong piso na naman ang hinihingi ng National Task Force (NTF)-Elcac para sa programa nitong Support to the Barangay Development Program (SBDP). Sa isinumiteng National Expenditure Program noong Hulyo 28, naglaan si Ferdinand Marcos Jr ng ₱7.8 bilyon para sa pasistang ahensya. […]
Sabwatang Marcos-San Miguel, pinananagot sa oil spill sa Manila Bay
Pinapanagot ng mga grupong maka-kalikasan ang San Miguel Corporation at ang rehimeng Marcos sa naganap na oil spill (tumapong langis) mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa Manila Bay. Anila, dapat managot ang mga ito sa pinsalang dala ng tumapong langis sa kabuhayan ng komunidad, sistema ng ekolohiya at kalusugan ng mamamayan. Ang […]
Pag-aaral sa IKP at AKP, inilunsad sa Southern Tagalog
Hindi bababa sa 21 indibidwal ang nakapagtapos sa magkasunod na pag-aaral ng Intermedya (IKP) at Abanteng Kurso ng Partido (AKP) sa Southern Tagalog noong Mayo at Hunyo, ayon sa ulat ng Kalatas, rebolusyonaryong pahayagan sa rehiyon, sa isyu nito noong Hunyo. Nagmula ang mga estudyanteng nagtapos sa mga sangay ng Partido sa hukbong bayan at […]
Mga protesta
Tigil-pasada sa UP-Diliman. Nagtigil-pasada ang mga tsuper at opereytor ng dyip na bumibyahe sa loob ng UP-Diliman noong Agosto 1 para tutulan ang pagpasok ng kooperatiba ng e-jeepney na aagaw sa ruta ng mga tradisyunal na dyip sa kampus. Pinangunahan ang pagkilos ng UP Transport Group, sa suporta ng mga estudyante, guro, at mga […]