Pag-aaral sa IKP at AKP, inilunsad sa Southern Tagalog
Hindi bababa sa 21 indibidwal ang nakapagtapos sa magkasunod na pag-aaral ng Intermedya (IKP) at Abanteng Kurso ng Partido (AKP) sa Southern Tagalog noong Mayo at Hunyo, ayon sa ulat ng Kalatas, rebolusyonaryong pahayagan sa rehiyon, sa isyu nito noong Hunyo. Nagmula ang mga estudyanteng nagtapos sa mga sangay ng Partido sa hukbong bayan at sentrong bayan.
Bahagi ito ng gawaing konsolidasyon kasunod ng mga paglalagom ng mga komite ng Partido.
Naisagawa ang pag-aaral sa gitna ng inilulunsad na focused military operations ng mga pasistang tropa ng Armed Forces of the Philippines. Naging matagumpay ito dahil sa kapasyahan ng komite at mga yunit, mahigpit na koordinasyon at mahusay na pagsusuri at hakbangin ng yunit kumand ng hukbong bayan, at ang di-matatawarang suporta ng baseng masa.