Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
₱170 milyon, winaldas ni Marcos Jr. para sa pasilidad-militar ng US
Kasabay ng pagbibigay-limos sa mga Palaweño na nasalanta ng El Niño, ipinagyabang ni Marcos Jr. noong Hulyo 18 ang malapit nang matapos na paliparan para sa base militar ng US sa isla ng Balabac. Pinondohan ito ng ₱170 milyon ng reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas. Ang proyektong ito ay alinsunod sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), […]
Rehimeng Marcos II, pabaya at inutil
Nalantad ang kriminal na kapabayaan, kainutilan at mga depektibong proyekto ng reaksyunaryong gubyerno ni Marcos Jr. sa lala ng pinsalang tinamo ng mamamayan sa paghagupit ng bagyong Butchoy at Carina nitong Hulyo. Walang-tigil at malakas na mga pag-ulan ang dinala nina Butchoy at Carina sa bansa, na nagpalala sa habagat. Dulot nito, maraming mga probinsya […]
Berdugong AFP at PNP, nangunguna sa paglabag sa karapatang-tao sa TK
Patung-patong na naman ang mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng pinaghalong pwersa ng berdugong AFP-PNP laban sa mamamayan ng TK. Ngayong Hulyo, pito ang iligal na inaresto at ikinulong, at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso; isa ang kaso ng pananakot, panghaharas at intimidasyon, at 1 Pulang mandirigmang hors de combat ang pinatay ng mga […]
Mga manggagawa sa Nexperia, magwewelga
Tumindig ang mayorya ng manggagawa ng Nexperia Philippines Inc. sa pangunguna ng Nexperia Philippines Inc. Workers’ Union (NPIWU-National Federation of Labor Unions- Kilusang Mayo Uno) na maglunsad ng welga kontra sa iligal na pagtatanggal ng mga manggagawa. Ito ang resulta ng isinagawang strike vote noong Hulyo 29-30 sa pagawaan sa Cabuyao, Laguna. Sa kabuuang 1,883, […]
Protestang bayan, sagot ng mamamayang TK sa ikatlong SONA ni Marcos Jr.
Umabot sa 600 mamamayan ng TK ang lumahok sa protestang bayan upang batikusin ang ikatlong SONA ni Marcos Jr. noong Hulyo 22. Kasabay ito ng mga protesta sa iba pang bahagi ng bansa at sa ibayong dagat. Umaga bago ang SONA ni Marcos Jr sa Batasang Pambansa, pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan – Timog Katagalugan […]