Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pamunuan ang pakikibaka ng bayan para sa kanilang kapakanan sa harap ng pananalasa ng tagtuyot! Singilin ang rehimeng US-Marcos II sa kapabayaan at pagpapahirap sa masang magsasaka at mamamayan!
March 20, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Ramdam na ramdam ng mamamayan sa Timog Katagalugan, laluna ng mga magsasaka at mangingisda ang malubhang epekto ng El Nino. Sa kabila ng kanilang pagdurusa bingi at manhid ang rehimeng US-Marcos II na sagipin sila sa kanilang pagdurusa, sa halip ay papatsi-patseng solusyon at kakarampot na ayuda ang ibinibigay nito. Sa likod nito malayang nakakapang-api […]

Pang-aabuso ng mga militar sa kanilang mga asawa at anak, kinundena ng MAKIBAKA
March 20, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) | Malaya Libertad | Spokesperson |

Nagpahayag ng matinding pagkundena ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa pang-aabuso ng mga militar sa kanilang mga asawa at anak na inilantad kamakailan. Kahapon lamang, nagsalita si Gemini Baladad sa isang press conference na siya at ang kanyang mga anak ay dumaan sa pang-aabuso ng kanyang dating asawa, isang retiradong heneral ng Armed […]

Kababaihan, ipagdiwang ang maningning na kasaysayan ng Makibaka! Lumahok sa pambansa demokratikong rebolusyon!
March 18, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna | Divina Malaya | Spokesperson |

Ipinagdiriwang ng MAKIBAKA Laguna at ng malawak na hanay ng kababaihang Lagunense ang ika-52 na anibersaryo ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA. Kasabay ng anibersaryo ng MAKIBAKA ay ang ika-76 na taong kapanganakan ni Maria Lorena Barros — unang tagapangulo ng MAKIBAKA at isang rebolusyonaryong martir. Nagsisilbing inspirasyon para sa kababaihang anapawis si […]

Pahayag ng MAKIBAKA para sa Ika-52 Taon na Pagsusulong ng Pambansa Demokratikong Rebolusyon
March 18, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) |

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang ika-52 taon ng pagkakatatag nito at patuloy na pagsusulong ng pambansa demokratikong rebolusyon. Pinagpupugayan ng MAKIBAKA ang lahat ng kababaihang magpasyang nagsusulong at nagtataguyod ng rebolusyon para tuluyang ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo na siyang ugat […]

(Primer) Panunulsol ng US ng imperyalistang gera sa China, banta sa buhay at kalayaan ng mga Pilipino
March 15, 2024 |

US TROOPS, OUT OF PH! Ibayong pinahihigpit ng US ang pang-operasyong kontrol nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamamagitan ng pagkontrol sa arsenal nito. Paparami ang itinatambak nitong mga bomba, armas at pinaglumaang mga gamit-militar sa ngalan ng “modernisasyon” ng reaksyunaryong hukbo.