Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Dear CK | Episode 3
Ang Dear CK ay seryeng radio drama na naglalaman ng mga kwento ng pakikibaka ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Layon nitong magbigay pa ng inspirasyon at aral sa pakikibaka ng buong bayan para makamit ang pambansang kalayaan at demokrasya.
Matagumpay na Pagbigwas sa 80th IBPA, ipinamalas ng NAAC-NPA-Rizal
Matagumpay na tinambangan ng NAAC-NPA-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng bayarang 80th IBPA ganap na 5:10 ng madaling araw, Enero 31, 2024 sa Lukutang Malaki, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal. Nagresulta ito sa pagkamatay ng isang sundalo at pagkasugat ng dalawa pa habang wala naman napinsala sa panig ng mga Pulang mandirigma. Matatandaan na mula pa […]
Kalatas | January 2024
Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Puspusang isulong ang kilusang pagwawasto, pamunuan ang masa at ibwelo ang mga rebolusyonaryong gawain sa 2024!
Tangan ang mga tagubilin ng Partido, tinatanaw ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan ang ibayong pagsulong ng rebolusyon sa rehiyon at pag-aambag sa pambansang pagsisikap na buklurin at pamunuan ang malawak na masa ng sambayanang PIlipino sa paglaban sa rehimeng US-Marcos II at isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Susi rito ang pagsusulong ng kilusang pagwawasto. Pinasinayaan […]
Pakanang chacha ng rehimeng US-Marcos II, pahirap at pasakit sa bayan
Sa gitna ng tumitinding bangayan ng paksyong Marcos at Duterte, iniraratsada ng rehimeng US-Marcos II ang charter change (chacha) na makikita sa garapalang paglalako nito sa publiko sa anyo ng huwad na people’s initiative o mga maniobra sa Kongreso, partikular sa Kamara. Nagkukumahog ang ilehitimong rehimen na ipatupad ang chacha para sa interes ng imperyalismong […]