Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Paggunita sa anibersaryo ng Partido, inilunsad sa Rizal
Nagtipon ang mga rebolusyonaryong pwersa ng Rizal upang sama-samang gunitain ang ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Enero 12. Kasabay nito, nagbigay-pugay ang PKP-Rizal kay Prof. Jose Maria “Ka Joma” Sison at sa mga rebolusyonaryong martir ng Rizal at NAAC-BHB Rizal. Nag-alay ng mensahe ng pakikiisa at mga kultural na pagtatanghal […]
Nag-ooperasyong 80th IBPA, tinambangan ng BHB Rizal
Matagumpay na tinambangan ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC)-BHB Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IBPA noong Enero 31, ganap na 5:10 ng madaling araw, sa Sityo Lukutang Malaki, Brgy. San Isidro, Rodriguez. Tatlo ang kumpirmadong patay sa hanay ng 80th IBPA habang walang pinsala sa panig ng mga Pulang mandirigma. Para itago ang pinsala, […]
Pagtutuloy ng CBA, iginiit ng mga panadero sa PhilFoods
Naglunsad ng kilos-protesta ang Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Product Inc. sa harap ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Region IV-A noong Enero 4 para igiit ang agarang aksyon sa naantalang negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA) ng unyon at kapitalista. Kabilang din sa ipinaglaban ng mga manggagawa ang karapatan […]
Bagong taon, bagong panata
Sasalubungin ko ang bagong taon Nang may kirot sa dibdib, May di mawaring tinik na naghahatid ng sakit, Para sa mga nawala, naulila, nabuwal sa gitna ng digma… Sasalubungin ko ang bagong taon, Na naghahanap, patuloy na naghahanap. Umaasang makita ang mga nawawala, At makauwi silang muli sa naghihintay nilang pamilya. Nasaan ka, Kasamang Baby […]
Mga kontradiksyon ng mga pasistang mang-aapi ang bangayang Marcos-Duterte
Lubos na itinatakwil ng sambayanang Pilipino ang bangayan ng mga Marcos at Duterte, na kapwa namang hindi kumakatawan sa interes ng malawak na masang manggagawa, magsasaka, mala-proletaryado, mga propesyunal at intelektwal. Katunayan, pareho nilang kinakatawan ang pinakamasasahol na burukratang kapitalista, at naghaharing mapang-api at mapagsamantalang mga uri ng malalaking panginoong maylupa at burgesyang komprador, at […]