Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Dadaigin ng Bagong Hukbong Bayan ang rehimeng US-Marcos
Walang naniwala sa kamakailang deklarasyon ni Ferdinand Marcos Jr na wala nang “aktibong larangang gerilya” ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong bansa. Naobliga kahit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na salungatin ito at sinabi na lamang na “mahihina” ang diumano’y natitirang 11 larangan ng BHB. Ayon sa AFP, may 1,500 Pulang mandirigma […]
Tumutungo sa marahas na tunggalian ang umpugan ng mga naghaharing paksyon
Nakumpirma na dumating sa Pilipinas ang mga tauhan ng International Criminal Court (ICC) para mag-imbestiga sa krimen laban sa sangkatauhan na kasong isinampa laban kay Rodrigo Duterte at kanyang mga kasapakat. Ayon sa mga abugado ng mga biktima, tapos na ang imbestigasyon laban kay Duterte. Halos tapos na rin ang imbestigasyon sa iba pang pinangalanang […]
Ang mapait na kalagayan ng magniniyog sa Misamis Oriental
Pagbebenta ng kopra ang ikinabubuhay ni Tatay Gil. Sa kanyang bayan, umaabot lamang nang ₱25 ang kada kilo ng kopra. Bawat tatlong buwan, 300 kilo lamang ng kopra ang kanyang naibebenta sa mamimili. Sa madaling sabi, kumikita lamang siya ng ₱7,500. Sobrang mababa ito kahit pa malapit lamang sa kanilang barangay ang kumpanyang nagpuproseso rito. […]
Pang-aabuso ng 62nd IB sa Central Negros, tuluy-tuloy
Sunud-sunod ang mga pagpatay, tangkang pagpatay, panggigipit at iba pang mga paglabag sa karapatang-tao sa isla ng Negros ang isinagawa ng mga yunit ng 62nd IB sa nagdaang mga linggo. Dinampot at tinortyur bago pinaslang ng mga sundalo ang dalawang sibilyan sa Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental noong Enero 17 ng umaga. Para pagtakpan […]
Aerial bombing sa Bukidnon, kinundena ng mga grupong internasyunal
Kinundena ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) at Friends of the Filipino People in Struggle ang pambobomba ng Armed Forces of the Philippine sa isang kampo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Malaybalay City noong Disyembre 25, 2023. Anang mga grupo, labag sa internasyunal na makataong batas (IHL) ang pambobombang gumamit […]