Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pagpupugay sa 55 taon ng PKP, 55 taon ng magiting na pamumuno sa rebolusyong Pilipino!
Taas-kamaong nagpupugay ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa ng Timog Katagalugan sa Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo) sa okasyon ng ika-55 taong anibersaryo ng natatanging partido ng proletaryado sa bansa. Walang takot at matatag nitong pinamumunuan ang bagong tipong pambansa-demokratikong rebolusyon na isinusulong ng mamamayang Pilipino upang ibagsak ang mga salot sa bayan na imperyalismo, pyudalismo, […]
Hustisya para sa Balayan 7! Pagpupugay sa mga rebolusyonaryong martir ng NPA-Batangas! Hustisya sa mga biktima ng paglabag sa karapatang tao!
Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa limang martir ng Eduardo Dagli Command-NPA Batangas na sina Leonardo “Ka Mendel” Manahan, Joy “Ka Kyrie” Mercado, Maria Jetruth “Ka Orya” Jolongbayan, Alyssa “Ka Ilaya” Lemoncito at Precious Alyssa “Ka Komi” Anacta. Nabuwal ang mga Pulang mandirigma, kasama ang dalawang sibilyan na sina […]
Kalatas | December 2023
Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Magpunyagi at ipagwagi ang di-magagaping rebolusyong Pilipino
Nagbubunyi ang rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ng Timog Katagalugan sa inabot na lakas at antas ng rebolusyong Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo). Sa nakaraang higit limang dekada, matatag na nakapamuno ang Partido sa rebolusyonaryong kilusan at nakaugat na sa malawak na inaapi at pinagsasamantalahang mamamayang Pilipino. Sa gabay nito, […]
Tugon ni Patnubay de Guia: Bakit dapat pangangalagaan ang karapatan ng mga sibilyan sa gitna ng digmaang sibil?
Noong madaling araw ng Disyembre 17, nilusob ng magkakasanib na pwersa ng 59th IB, Philippine Navy at Philippine Airforce ang isang yunit ng Eduardo Dagli Command – Bagong Hukbong Bayan (BHB) Batangas sa Brgy. Malalay, Balayan, Batangas. Namatay sa labanan ang limang Pulang mandirigma at dalawang sibilyang sina Pretty Sheine Anacta, 19, at Rose Jane […]