Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pinakamainit na sinasalubong ng PKM-Laguna ang pagbubukas ng usapang pangkapayapaan habang patuloy na isinusulong ang agraryong rebolusyon sa kanayunan!
December 05, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Laguna | G. Alberto Alonso | Spokesperson |

Malugod na binabati ng mga balangay ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid sa Laguna ang Oslo Joint Statement na pinirmahan ng dalawang partido sa digmang sibil sa bansa, ang Gobyerno ng Republika ng Pilipinas at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kumakatawan sa mga rebolusyonaryo at demokratikong uri’t sektor sa lipunan, laluna […]

Ka Sandy: Huwarang manggagawang pangkultura, tapat na artistang lingkod ng bayan
December 05, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Southern Tagalog (Balangay Racquel Aumentado) | Nika Antares | Spokesperson |

Taas-kamaong nagpupugay ang Artista at Manunulat ng Sambayanan – TK kay Kasamang Josephine Mendoza o Ka Sandy na namartir nitong Nobyembre 10 dahil sa karamdaman. Sa panahon bago ng kanyang pagpanaw ay naglilingkod siya bilang kagawad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at bilang Ikalawang Pangalawang Kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa […]

Tinik sa daan ng tunay, makatarungan, pangmatagalang pangkapayaan si Sara Duterte
December 04, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Cagayan Valley | Salvador del Pueblo | Spokesperson |

Hindi na nakakagulat ang naging reaksyon ni Sara Duterte mula sa “kalaban ng kapayapaan ang mga kumukwestyon sa confidential and intelligence fund” at ngayon ay “deal with the devil” ang pagpirma ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) sa Oslo Joint Declaration, ang intensyon ng dalawang panig […]

Ipagdiwang ang ika-59 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Ibayong palakasin ang rebolusyonaryong kilusan ng kabataan at estudyante! Lumahok sa digmang bayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya!
December 04, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Metro Manila | Kabataang Makabayan-Metro Manila (Luzille Gypsy Zabala Brigade) |

Rebolusyonaryo at mapulang pagbati mula sa Kabataang Makabayan-Lucille Gypsy Zabala! Taas-kamaong pagbati sa ika-59 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan. Sa deka-dekadang pagpupunyagi, malaki at makasaysayan ang papel na ginampanan nito sa pagpupundar, pagpapalawak at pagpapalakas ng demokratikong rebolusyong bayan sa buong kapuluan. Sa paghahangad ng pagbabagong panlipunan, ginamit ng kabataang estudyante ang lakas at talino […]

Reaksyon sa mga pahayag ni Galvez kaugnay ng usapang pangkapayapaan
December 03, 2023 | Communist Party of the Philippines | Marco Valbuena | Chief Information Officer |

Nagpapasaring sa pahayag ng Partido at ng iba’t iba pang mga organisasyong nalugod sa Oslo Joint Statement, pinuna ni Sec. Carlito Galvez, dating heneral ng militar at ngayo’y Presidential Peace Adviser, ang mga panawagang tanggalin ang CPP/NPA/NDFP at si NDFP Negotiator Luis G. Jalandoni sa “listahan ng terorista” ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP), […]