Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Iligtas ang Cancabato Bay sa reklamasyon
November 07, 2023

Sampung taon mula nang wasakin ng storm surge na dala ng superbagyong Yolanda ang syudad ng Tacloban, wala pa ring signipikanteng hakbang ang lokal na gubyerno para iwasang maulit ang sakuna. Sa halip, nagtulak pa ito ng proyektong reklamasyon na hindi lamang kabaligtaran sa paghahanda, kundi wawasak sa buong ekosistema ng Cancabato Bay at papatay […]

Paghaharing militar ng 8th ID sa Samar
November 07, 2023

Sa malalayong barangay ng Samar, namamayani ang kamay na bakal ng 8th ID ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Malayo sa mata ng publiko at midya, pinaiiral dito ang sirektong mga pagdukot, detensyon at pagkulong sa mga sibilyan sa kanilang mga komunidad at pagsasagawa ng samutsaring pang-aabusong militar. Buong kinubabawan ng mga yunit militar […]

Gunitain ang buhay at kamatayang pakikibaka ni Jude Fernandez! Pagyabungin ang itinanim na binhi ng paglaya ng dakilang organisador ng uring manggagawa!
November 07, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Revolutionary Council of Trade Unions-Laguna | Reynaldo Sanchez | Spokesperson |

Naghihimagsik ang mga rebolusyonaryong manggagawa sa Laguna matapos mabalitaan ang brutal na pamamaslang ng armadong pwersa ng pasistang rehimeng US-Marcos Jr kay Jude Fernandez—isang lider-organisador ng uring proletaryo. Kailangang panagutan ng mga pasista ang kalupitang ito! Matatandaang noong Setyembre 29 ay sinalakay ng mga berdugong PNP-CIDG-4A ang tinutuluyan ni Fernandez sa Binangonan, Rizal. Naging saksi […]

Arnel Halum, panibagong biktima ng EJK sa Sorsogon
November 06, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong kilusan sa Sorsogon ang ekstrahudisyal na pamamaslang kay Arnel Halum kahapon, Nobyembre 5, sa pagitan ng alas 12 hanggang ala-1 ng hapon, sa Sitio Kamandag, Barangay San Pascual, Casiguran. Si Halum, 42 taong gulang, ay isang magsasaka na residente ng Barangay San Pascual, Casiguran at naging myembro ng NPA noong 2007-2009. […]

Kundenahin ang pagkakatalaga Kay Francisco Tiu Laurel bilang hepe ng Kagawaran ng Agrikultura
November 05, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Rizal |

Mariin ang pagtutol ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture-DA). Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Tiu-Laurel sa mga namuhunan sa kandidatura ni Marcos Jr. sa halagang limampung milyong piso. Dalawampung milyong piso para kanyang kampanya at tatlumpung […]