Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Huwad na amnestiya, hindi sagot sa pangmatagalang kapayapaan
Peke at isang insulto sa mamamayan ang alok na amnesty ni Bongbong Marcos Jr. sa kanyang talumpati noong nakaraang State of the Nation Address (SONA), sa halip na maghain ng mga naangkop na solusyon sa krisis na nararanasan ng sambayanan, purong kabulastugan at mga lutang-sa-hangin na mga plano’t programa ang kanyang ipinagyabang sa halos isang […]
Mga panukalang badyet para sa kurapsyon at panunupil ni Marcos Jr, tutulan!
Dapat kundenahin at pigilan ang mga panukalang pondo ni Ferdinand Marcos Jr. para sa Office of the President (OP), confidential and intelligence funds at mga proyektong imprastraktura sa pambansang badyet sa 2024. Malinaw itong mga iskema upang makapagbulsa ng mas malaking halaga ang naghaharing pangkating Marcos-Duterte at matuloy ang kanilang mga imbing balakin laluna ang […]
Rehimeng US-Marcos Jr. inutil sa harap ng tumitinding sosyoekonomikong krisis
Nagtataasang presyo at kapos na suplay ng pagkain. Doble-dobleng pagsirit ng presyo ng mga bilihin. Patung-patong na utang. Mala-aliping sahod at kalagayan sa paggawa. Malawakang disempleyo. Bulnerabilidad sa mga sakuna. Nanganganib na soberanya. Ito ang mukha ng Pilipinas ngayon sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr. Saanmang sulok ng bansa ay kahirapan at kagutuman ang dinaranas […]
Pagpapatuloy sa pakikibaka ang pinakamataas na parangal sa mga martir ng sambayanan
Isang taon matapos ang karumal-dumal na pagmasaker sa kanila ng militar at desekrasyon ng kanilang mga labi, sariwa pa rin sa alaala ng mga kasama ang kabayanihan at walang kaparis na ambag sa rebolusyonaryong kilusan ng mga nangungunang lider-komunistang sina Benito ‘Ka Laan’ Tiamzon at Wilma ‘Ka Bagongtao’ Austria-Tiamzon. Kasabay nilang namartir sina Joel ‘Ka […]
Hindi bala sa kanyon ang masang magsasaka at mangingisda
Kabulastugan ang panukala ng AFP na sanayin ang mga mangingisda at magsasaka bilang pwersang pananggol sa West Philippine Sea (WPS). Isinasangkalan nila ang usapin ng ‘nasyunalismo’ at ‘patriyotismo’ upang maging katanggap-tanggap ang kanilang adyenda. Ngunit bakit hindi ang puu-puong libong nagsasakyadang pwersang militar nila na walang inaatupag kundi ang panggugulo sa mga komunidad, pananakot at […]