Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Isang aspeto lamang ang tinutugunan ng AFP modernization sa problema sa West Philippine Sea
Hindi simpleng usapin ang problema sa West Philippine Sea (WPS). Inianak ito ng mahabang panahong pagpapakontrol ng Pilipinas sa mga dayuhang kapangyarihan, pang-ekonomiko at pulitiko-militar na ribalan sa pagitan ng mga imperyalistang bansa at ng magkakatunggaling interes ng iba’t ibang nasyon sa Asya-Pasipiko at ng makakapangyarihang bansa. Taliwas sa ibinebentang ideya ng AFP at rehimeng […]
Hinggil sa amnestiya ng rehimeng US-Marcos Jr.
Matibay ang paninindigan ng Nerissa San Juan Command BHB-Catanduanes na hindi nito tatanggapin ang alok na amnestiya ng rehimeng US-Marcos Jr. Lumang tugtugin na ang ganitong mga pakanang para sa pagpapasuko at pagsasalong ng armas. Kunwari lamang na nagpapanukala ng general amnesty ang rehimen upang mag-astang nasa mataas na posisyong moral at politikal. Ngunit alam […]
Alok ni Marcos Jr. na amnestiya para sa mga rebolusyonaryo, patibong ng kapahamakan
Lubusang itinatakwil ng Eduardo Olbara Command BHB-Camarines Sur ang alok na amnestiya ng rehimeng US-Marcos Jr. Ang naturan ay isa lamang maruming taktika upang itulak ang mga rebolusyonaryo na ipahamak at ibuyangyang ang sarili para sa pang-aatake ng kaaway. Napakamapanganib at higit na mabagsik ito kumpara sa kampanyang pagpapasuko ng nagdaang rehimeng US-Duterte sa panahon […]
Kundenahin ang mga ganid-sa-tubo na mga kumpanya sa langis sa hindi makaratungang dagdag-presyo
Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang mga hayok-sa-tubong mga kumpanya sa langis sa walang-awat na pagpapataw ng dagdag na presyo sa mga produktong petrolyo sa nagdaang anim na linggo, na nagresulta sa higit na mas matarik na pagsirit sa halaga ng pamumuhay ng mamamayan at mabilis na pagbulusok sa kanilang katayuan sa pamumuhay. […]
Hedkwarters ng 2nd Infantry Battalion, matagumpay na napaalis ng mamamayan sa Milagros
Dulot nang hindi na maatim na epekto sa kabuhayan at pangamba sa buhay, ispontanyong kumilos ang mga mamamayan sa bayan ng Milagros upang palayasin ang punong himpilan ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army na nakabase sa naturang bayan. Ayon sa nakuhang ulat ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate, nagtipon sa bulwagan ng munisipyo ang mga residente ng […]