Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mala-alaping sahod at naglalakihang kita
May 21, 2023

Sa loob ng dalawang dekada mula 1999, tumaas nang 946% ang netong kita ng 1,000 pinakamalalaking kumpanya sa Pilipinas. Sa kabilang banda, tumaas lamang nang 140% mula ₱224 tungong ₱537 sa panahong ito ang mala-aliping sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region, ang pinakamataas na minimum sa buong bansa. Bahagyang bumaba ang netong kita […]

Pinakamababa ang sahod ng mamamayang Moro
May 21, 2023

Sa buong bansa, pinakamababa ang natatanggap na sahod sa kalakhan ay mga manggagagawang Moro sa Bangsamoro Autonomous Region Muslim Mindanao (BARMM). Sa huling kautusan, nasa ₱306 hanggang ₱341 lamang ang kanilang tinatanggap. Pinakamataas na ang sahod sa Cotabato City, kung saan ₱316 ang tinatanggap ng mga manggagawa sa agrikultura at ₱341 sa industriya at serbisyo. […]

Malawakang tanggalan sa Wyeth Philippines, nilalabanan
May 21, 2023

Naghain ng Notice of Strike (NOS) ang Wyeth Philippines Progressive Workers Union sa tanggapan ng National Conciliation and Mediation Board 4-A noong Mayo 20. Magwewelga ang mga manggagawa para itulak ang kapitalista ng Wyeth-Nestle na ibalik sa trabaho ang 145 manggagawang tinaggal sa pabrika sa Canlubang, Laguna. Noong Marso pa lumutang ang plano ng kumpanya […]

Pensyon ng AFP, pabigat sa bayan
May 21, 2023

Animo’y mga lintang sinisipsip ng dambuhalang pasistang makinarya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pondo ng bayan, hindi lamang para ipambili ng parami nang parami at palaki nang palaking mga armas at kagamitan, kundi pati para ipambayad sa pensyon ng mga berdugong elemento matapos ang kanilang “serbisyo.” Sa nakaraang mga taon, umaabot sa […]

Pamiminsala sa kabuhayan at kalikasan sa ngalan ng "renewable energy" sa Ilocos
May 21, 2023

Lubhang nababahala ang demokratiko at rebolusyonaryong mga pwersa sa mga prubinsya ng Ilocos at La Union sa paglipana at patuloy na pagdagsa sa rehiyon ng mga dayuhang kumpanyang namumuhunan sa iba’t ibang proyektong pang-enerhiyang “renewable.” Sa kasalukuyan, nag-oopereyt sa rehiyon ang siyam na planta ng wind, solar at hydropower. Dagdag dito ang 13 na naaprubahan […]