Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Pinakamataas na parangal para kina Kasamang Benito Tiamzon at Wilma Austria
April 21, 2023

Bilang pinakamataas na pagsaludo sa mga pinuno ng Partido na sila Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon, ipinag-utos ng Pambansang Kumand sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan at Komite Sentral na magpormasyon at tahimik na isagawa ang 21-gun salute sa pagputok ng araw sa Abril 24, sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of […]

Pagbansag na terorista sa konsultant ng NDF, kinundena
April 21, 2023

Kinundena ng National Democratic Front of the Philippines ang pagbansag na terorista sa isa sa mga konsultant nito sa usapang pangkapayapaan. Ito ay matapos iparada ng mga pulis si Eric Casilao sa harap ng midya at publiko para pahiyain at kutyain. Nadakip si Casilao habang tumatawid mula sa Malaysia tungong Thailand noong Abril 1. Idineport […]

Sangandaan: Paghahanda ng kabataan sa buong-panahong pagrerebolusyon
April 21, 2023

Nananalatay sa dugo ng mga kabataang tagalunsod ang diwang rebolusyonaryo ni Andres Bonifacio. Hindi malayo sa Tondo, kung saan ipinanganak si Bonifacio, nakahimpil ang upisina ng mga rebolusyonaryong kabataang isinasabuhay ang mga katagang, “Buhay man ay ialay.” Araw-araw, buong-panahong nagpupukaw, nag-oorganisa, at nagpapakilos ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan sa loob ng mga pamantasan para […]

Mga armadong aksyon, inilunsad ng BHB sa 4 na prubinsya
April 21, 2023

Inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa apat prubinsya ang magkakasunod na taktikal na opensiba bilang bahagi ng pagpupun-yaging biguin ang mga operasyong militar ng teroristang rehimeng US-Marcos. Sa Masbate, nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ang isang ripleng armalayt mula sa mga aset ng militar sa Sityo Pondol sa hangganan ng mga […]

“Modernisasyon” ng AFP na nakatuon sa imperyalistang panunulsol ng gera
April 21, 2023

Nakaasa sa dayuhan at walang sariling paninidigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa panahon ng digma, wala itong kakayahan na ipagtanggol ang kalayaan at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Mahigpit na nakatali ang kasalukuyang oryentasyon, operasyon at maging mga armas nito sa estratehiya at interes ng US sa Asia. Mula’t sapul, inaarmasan ng US […]