Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pera ang isinasampal ng MWSS sa mga katutubo
Ampaw at pakitang-tao ang pagbabayad ng Manila Waterworks and Sewerage Systems (MWSS) sa mga katutubong Dumagat at Remontado para sa epekto ng proyektong Kaliwa Dam. Bukod pa sa lubhang malayo ang sinasabi nitong 66 pamilya sa totoong 10,000 pamilyang maaapektuhan ng proyekto, walang maitutumbas na halaga sa ilang henerasyon na nilang tirahan, taniman at ginagalawang […]
Suportahan ang panawagan ng mga Dumagat, Remontado at lahat ng mamamayang apektado ng Kaliwa Dam
Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan sa pakikibaka ng mga Dumagat, Re-montado at lahat ng mamamayang apektado ng mapaminsalang proyektong Kaliwa Dam. Naninindigan ang Partido at buong kilusang rebolusyonaryo sa TK na walang ibang mabuting idudulot ang proyekto kundi delubyo para sa mamamayan ng Rizal at North Quezon. Pinatutunayan ng nagaganap na martsang protesta […]
Mamamayan ng daigdig, magbigkis, pigilan at labanan ang lahat ng anyo ng inter-imperyalistang gera!
Kaisa ng mamamayan ng daigdig, tinutuligsa ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan ang nagpapatuloy na inter-imperyalistang gera sa Ukraine sa pangunguna ng US. Kasabay nito, mariin din naming tinutuligsa ang tuluy-tuloy na pang-uudyok ng US ng panibagong larangan ng gera sa Asia Pacific laban sa China. Isang taon na ang nakalilipas mula nang […]
Tugunin ang panawagan ng mamamayan ng Brooke’s Point: operasyon ng Ipilan Nickel Corporation, itigil!
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa mamamayang Palaweño at buong bansa na suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka at natibong Palaw’an sa Brooke’s Point laban sa mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation. Mula Pebrero 18, nagbarikada ang mga residente sa sayt ng mina sa Brgy. Maasin para igiit sa pambansang gubyernong ipahinto […]
Pagratipika ng RCEP, higit na pahirap sa mamamayang Pilipino!
Sa pagratipika kahapon ng Senado sa RCEP (Regional Comprehensive Economic Partnership), lalong isinubo ng Rehimeng Marcos Jr. sa kagutuman at kahirapan ang mamamayang Pilipino, laluna ang mga magsasaka. Sa kabila ng pagtutol ng maraming sektor sa pagpapaloob ng Pilipinas sa RCEP, itinulak ng rehimen ang ratipikasyon upang umano’y makasabay sa mga lumalagong ekonomiya sa Asya […]