Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mga mamamayan ng Timog Katagalugan ginunita ang ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA
February 28, 2023 |

Sa pangunguna ng Southern Tagalog Movement Against Tyranny (ST MAT), tumungo ang iba’t ibang organisasyon sa National Capital Region upang gunitain ang ika-37 taon ng EDSA People Power kung saan pinatalsik ng mamamayan ang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noong 1986. Ang makasaysayang pag-aalsa ay produkto ng deka-dekadang anti-diktadurang paglaban ng mamamayan. Ani Merwin […]

Nakaambang tanggalan sa Nexperia, tinututulan ng unyon
February 28, 2023 |

Tinututulan at nilalabanan ng unyong Nexperia Philippines Inc. Workers Union ang nakaambang tanggalan ng 495 manggagawa (375 na kasapi ng unyon, 80 kontraktwal at 40 propesyunal) ngayong Pebrero bunsod ng pagsasara ng Sensors Department at paglipat ng operasyon ng nasabing departamento sa Thailand. Ang mga manggagawang matatanggal ay kabilang sa 801 manggagawang dapat gawing regular […]

Kay Ka Facio
February 28, 2023 |

Kay Ka Facio Mula kay Ka Maya unang gabi ito na hindi ka makakadalo sa bahaginan at talakayan paghahabol sa panahong magkahiwalay iyon ang noon nating nabuong kasunduan ilang taong naging kalakaran hindi tayo maubus-ubusan ng pag-uusapan— tungkol man sa masa, sa ating mga sinisinta, sa kinagigiliwang mga kasama, sa iniwang mga buhay, o sa […]

Hamon sa mga sundalo at pulis sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Movement: Talikuran ang AFP-PNP, sumanib sa NPA!
February 26, 2023 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Sa anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power Revolution, marapat ipaalala sa mga sundalo at pulis ang ginampanan nilang papel sa pagpapatalsik sa pasistang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. na labis na nagpahirap sa ating bayan sa loob ng dalawang dekada. Dapat buksan ng mga sundalo at pulis ang kanilang mata sa karahasan ng estado […]

Gunitain ang Pag-aalsang EDSA sa diwa ng pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka!
February 26, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ipinaaabot ng NDFP-ST at mamamayan ng buong rehiyon ang mahigpit na pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA noong Pebrero 25, 1986. Lagi nating alalahanin na sa ating pagkakaisa at marubdob na pakikibaka nagawang ibagsak ang kinamumuhiang diktadurang US-Marcos. Hinangaan at dinakila sa buong daigdig ang tagumpay na ito ng […]