Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Walang tigil-putukan ngayong kapaskuhan
Inianunsyo noong Disyembre 19 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas na hindi ito magdedeklara ng tigil-putukan ngayong kapaskuhan. Ayon sa Partido, “walang karason-rason para magdeklara ng tigil-putukan.” Nagpapatuloy ang mga operasyong militar at pag-atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa maraming komunidad sa kanayunan. Maraming barangay ang ipinaiilalim sa kanilang paghahari. […]
Protesta sa unang Araw ng Karapatang-tao ni Marcos Jr
Sinalubong ng mga protesta ng libu-libong mga Pilipino ang unang paggunita sa Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. Nagmartsa noong Disyembre 10 mula sa Liwasang Bonifacio patungo sa Mendiola sa Maynila ang libu-libong raliyista para batikusin at papanagutin si Marcos Jr at armadong pwersa ng estado sa maraming mga paglabag […]
Sa madaling salita
Aksyong punitibo sa Negros
Dalawang trak ng malaking kumprador at panginoong maylupa na si Teotimo Ballesteros ang sinunog ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan-Northern Negros sa Sityo Proper, Barangay Tabun-ac, Toboso, Negros Occidental noong Disyembre 14, bandang alas-9:30 ng umaga. Si Ballesteros ay isang notoryus na kontra-rebolusyonaryo at landgrabber. Sa kanyang kalupitan, gwardyado ng mga bandidong grupo at […]
Kagubatan, nasira sa pambobomba ng AFP
Nagsagawa ng walang-patumanggang pambobomba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kagubatan ng Mt. Hilong-Hilong sa hangganang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Sur noong Nobyembre 30. Mula alas-5:40 ng umaga hanggang alas-7 ng Nobyembre 30 ay binomba ang erya gamit ang anim na malalaking bomba at […]