Kagubatan, nasira sa pambobomba ng AFP

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Nagsagawa ng walang-patumanggang pambobomba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kagubatan ng Mt. Hilong-Hilong sa hangganang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Sur noong Nobyembre 30. Mula alas-5:40 ng umaga hanggang alas-7 ng Nobyembre 30 ay binomba ang erya gamit ang anim na malalaking bomba at dalawang rocket.

Halos 100 mga puno ang nasira sa dito dulot ng pambobomba. Nag-iwan din ito ng malalaking butas sa lupa (crater) na may lalim na hanggang tuhod at nagdulot ng pagguho ng lupa.

Ang naturang kabundukan ay isa sa mga natitirang tirahan ng Philippine Eagle at maraming mga klase ng flora at fauna.

Kagubatan, nasira sa pambobomba ng AFP