Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Mamamayang nakikibaka ang tunay na mga Bonifacio ng bagong panahon
December 06, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Sa isang pananalita, ikinumpara ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ang sarili at ang hanay ng pulis sa mga bayaning tulad nina Andres Bonifacio at iba pang Katipunero na buong katapatang nag-alay ng buhay para sa kapakanan ng taumbayan. Nagkakamali si Azurin sa pag-aakalang madali niyang mapapasakay ang madla sa mabubulaklak niyang salita. Kabayanihan ba […]

Brutal na pagpaslang sa mga Pulang mandirigma at sibilyan at mga kalapastanganan ng 7th IB-AFP
December 05, 2022 | New People's Army | Far South Mindanao Regional Operational Command (Valentin Palamine Command) | Gary Angeles | Spokesperson |

Brutal na pamamaslang ang naganap at hindi sa labanan nasawi ang limang Pulang mandirigma at isang sibilyan. Ito ang katotohanan sa likod ng napabalitang insidente sa Sityo Mugti, Brgy. Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Nobyembre 23, 2022. Salungat ito sa ipinahayag ng 7th IB-AFP na namatay ang mga kasama sa engkwentrong naganap sa lugar. Mariing […]

Hindi matatakasan ni Marcos Jr., AFP-PNP-CAFGU at lokal na naghaharing-uri ang mga krimen nito sa masang Masbatenyo
December 03, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Masbate killing fields. Literal na dumadanak ang dugo sa malawak na pastuhang prubinsya. Lantaran at brutal na pinapatay ng militar at pulis ang mga magsasaka para sa interes ng rantso, pagmimina, ekoturismo at iba pang pakana para sa kapitalistang pandarambong. Sa ilalim ng bagong rehimeng Marcos II, labing-isa na ang biktima ng pampulitikang pamamaslang. Pinakabagong […]

Mapulang pagpupugay sa kabataang piniling pagsilbihan ang bayan
November 30, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Kabataang Makabayan-Bicol |

Ngayong anibersaryo ng Kabataang Makabayan, binabati ng KM-Bikol ang lahat ng mga tunay na anak ng bayan na buong loob na naninindigan sa makatwiran at makatarungang rebolusyon. Yinakap nila ang tungkulin ng pagiging tagapag-ingat ng kinabukasan at tinanggap ang hamon ng paglahok sa demokratikong rebolusyong bayan. Daan-daang libong kabataan na, mula sa sektor ng mga […]

Kabataan, sumanib sa pakikibaka ng masang anakpawis! Ibagsak ang ilehitimong rehimeng US-Marcos II! Tumungo sa kanayunan at isulong ang matagalang digmang bayan!
November 30, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | Kabataang Makabayan (KM) | Maria Laya Guerrero | Spokesperson |

Maalab na rebolusyonaryong pagbati ang ipinapaabot ng pambansang tanggapan ng Kabataang Makabayan sa lahat ng mga balangay at kasapi nito sa buong bansa kasabay ng ating pagdiriwang sa ika-58 taon ng pagkakatatag ng ating pinakamamahal na organisasyon. Iginagawad natin ang pinakamataas na parangal, pagkilala, at pagpupugay sa lahat ng mga kabataang martir at bayani ng […]