Pahayag

Hindi matatakasan ni Marcos Jr., AFP-PNP-CAFGU at lokal na naghaharing-uri ang mga krimen nito sa masang Masbatenyo

Masbate killing fields. Literal na dumadanak ang dugo sa malawak na pastuhang prubinsya. Lantaran at brutal na pinapatay ng militar at pulis ang mga magsasaka para sa interes ng rantso, pagmimina, ekoturismo at iba pang pakana para sa kapitalistang pandarambong.

Sa ilalim ng bagong rehimeng Marcos II, labing-isa na ang biktima ng pampulitikang pamamaslang. Pinakabagong kaso ay ang pagpatay kay Ronnie Andren noong Nobyembre 27 sa bayan ng Placer. Dinakip siya habang nagkokopra.

Ipinataw ang paghaharing militar sa prubinsya sa basbas at suporta ng lokal na naghaharing-uring mga panginoong maylupang rantsero at mga ahente ng imperyalismo. Sa halip na batas ng makataong digma, batas ng pasismo at terorismo ng estado ang kinikilala ng mga berdugo. Umiiral ang takot at kawalang-pananagutan.

Subalit nagkakamali si Marcos Jr., mga kapwa niya naghaharing-uri sa prubinsya at kanilang mga armadong alagad sa pag-aakalang mapapatiklop nila ang masang Masbatenyo.

Makalusot man sa reaksyunaryong batas, hindi nila matatakasan ang galit at sakit na nakaukit sa puso ng mga kaanak at kauring magsasaka. Hindi nila matatakasan ang igagawad na rebolusyonaryong hustisya ng armadong mapagpalayang kilusan. Hangga’t walang lupa at pinapatay ang magsasaka, hindi mapapataob ang rebolusyonaryong digma ng bayan.

Ang pagpatay at brutalidad ng militar ay pagpapakita lamang ng kanilang pagkaduwag at desperasyon. Sa katunayan, dahil sa kapursigehan ng Hukbo na ipagtanggol ang masa at kamtin ang rebolusyonaryong hustisya para sa mga biktima, pansamantalang napahupa ang opensibang militar ng AFP-PNP-CAFGU sa prubinsya. Marami sa hanay ng militar at pulis ang demoralisado dahil hindi nila napahinto ang kontra-atake ng Pulang Hukbo.

Higit sa lahat, lalong namumulat ang mga magsasaka at iba pang katulad nilang biktima ng armadong pang-aapi na sa rebolusyonaryong armadong paglaban lamang tunay na makakamit ang hustisya. Nayayanig ang lokal na naghaharing-uri dahil sa halip na humina, lalong lumalakas ang rebolusyonaryong kilusan.

Panata ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa mga biktima na pagbayarin nang mahal ang mga pasistang berdugo sa kanilang mga krimen. Kitang-kita ng NPA sa malalawak na kapatagan ng prubinsya ang mga mamamatay-tao at nakatutok na sa kanila ang armas ng hustisya. Nakahanda na ang puntod na paglilibingan ng hibang na pangarap ni Marcos Jr. at ng mga kapwa niya kauri sa prubinsya na mababawi nila ang Masbate mula sa mga magsasakang Masbatenyong tunay na nagpundar nito.

Hindi matatakasan ni Marcos Jr., AFP-PNP-CAFGU at lokal na naghaharing-uri ang mga krimen nito sa masang Masbatenyo