Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Araw ng Pag-alaala sa mga martir ng rebolusyon, inilunsad
November 21, 2022

Kasabay ng pagtitirik ng mga kandila, sama-samang inalala at pinagpugayan ng mga Pulang mandirigma ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Mindanao ang mga bayani at martir ng demokratikong rebolusyong bayan. Kaugnay ito ng inilunsad na araw ng paggunita sa mga martir noong Nobyemre 7 sa pangunguna ng National Democratic Front (NDF)-Mindanao. Itinaon […]

3 bats ng pag-aaral ng AKP, inilunsad sa Negros
November 21, 2022

Sa unang anim na buwan ng taong 2022, nakalunsad ang Partido Komunista ng Pilipinas sa isla ng Negros ng tatlong pag-aaral sa Abanteng Kurso ng Partido (AKP). Naidaos ito sa mga larangang gerilya sa harap ng maigting at tuloy-tuloy na mga operasyong militar ng pasistang 3rd ID. Mayaman ang naging talakayan at pagpapalitan ng mga […]

Tumataas daw ang implasyon dahil tumataas ang demand?
November 21, 2022

Hindi nagulat ang masang anakpawis sa pagsirit ng tantos ng implasyon tungong 7.7% noong Oktubre. Ramdam na ramdam nila ang pagliit ng halaga ng kanilang sahod at kita, at ang pagkalam ng sikmura ng kanilang mga pamilya. Ang nakagugulat ay ang ipinagmalaki ng mga upisyal ng estado na lumago ang ekonomya dulot ng pagbwelo ng […]

LitNum ng hukbong bayan sa Isabela
November 21, 2022

Marami sa mga Pulang mandirigma sa Isabela sa Cagayan Valley ay mula sa uring magsasaka at pambansang minorya. Kabilang sila sa pinakaapi at pinakapinabayaang sektor ng lipunan. Dahil dito, marami sa kanila ang hindi nakatuntong sa anumang paaralan, at hirap, kung may kaalaman man, sa pagbabasa, pagsusulat at pagkwenta. Para punan ang kapabayaang ito at […]

Sa madaling salita
November 21, 2022