Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Lalong inuudyukan ng marahas na MO32 ang masang Bikolano na humawak ng armas
Dahil sa mga patakarang tulad ng MO 32, ibayong sumahol ang kalagayan ng karapatang tao sa Kabikulan. Mula nang ipatupad ito noong Nobyembre 2018, isang Bikolano kada linggo ang pinapaslang ng mga elemento ng AFP-PNP. Ngunit nagkakamali ang mga pasista kung inaakala nilang ito ang maghahatid sa kanila sa tagumpay. Ipinatupad nila ang naturang batas […]
Bibisita si Harris sa gitna ng umiigting na panghihimasok militar ng US sa Pilipinas at panggagatong ng inter-imperyalistang gera
Tinutuligsa ng Partido at ng mga pwersang patriyotiko at rebolusyonaryo ng mamamayang Pilipino ang nakatakdang pagbisita sa susunod na linggo ni US Vice President Kamala Harris na magsisilbi sa pagpapaigting ng panghihimasok militar ng US sa bansa at sa rehiyong Asia-Pacific, ibayong panggagatong sa girian ng US sa China, at ibayong pagtataas ng posibilidad ng […]
Nakapagngangalit ang arogansya ng naghaharing-uri sa harap ng krisis na dinaranas ng sambayanan
Mangmang at walang malasakit sina Sen. Cynthia Villar at Cong. Sandro Marcos para manawagang kumain na lamang ng kamote at magtanim ng dragonfruit ang mahihirap upang hindi magutom na para bang napakasimple ng solusyon sa kagutuman. Palibahasa’y sila ang nasa tuktok ng tatsulok. Hindi sila nakararanas mapuyat kaiisip kung saan kukuha ng makakain kinabukasan. Hindi […]
Bulok na estado ang nagluluwal ng mga tiwaling upisyal tulad ni Bantag
Kung may pagdududa pa ang ilan sa kabulukan ng kasalukuyang gubyerno, tiyak na naubos na sa walang katapusang pag-alingasaw ng katiwalian sa gitna ng imbestigasyon sa pagpatay kay Percy Lapid. Institusyunalisadong krimen, negosyo sa loob ng mga bilangguan, mga misteryosong tunnel at nagkakandamatay na mga preso – hindi na bago ang ganitong mga eskandalo sa […]
Hindi malilimot ng mamamayan ang ibinuwis na buhay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita para sa tunay na reporma sa lupa
Labingwalong taon na ang nakararaan mula nang maganap ang madugong masaker sa Hacienda Luisita. Gayunpaman, sariwa pa sa gunita ng mamamayan ang brutalidad ng estado at ang inutang nitong dugo mula sa mga magsasaka. Pitong magsasaka ang nagbuwis ng buhay para igiit na madagdagan ang animo’y limos na P9.50 nilang sahod sa naturang azucarera. Sa […]