Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)
Pagtaas ng presyo ng langis, pahirap sa masang Pilipino
Mabuti pa ang presyo ng langis, big time kung magtaas. Pero ang kabuhayan ng karaniwang Pilipino kahit small time na pag-usad, wala. Sa halip, ibinunga ng tuluy-tuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo ang lalo pang pagkakalubog ng mamamayan sa kumunoy ng kahirapan. Ang masahol pa, pinagsasabong ng gubyerno ang taumbayan. Hinahatak ang usapan […]
Hindi nakabubusog ang mga pangako ni Marcos II
Nang tumatakbo pa lamang sa pagkapangulo, isa sa pinakaenggrandeng pangako ni Marcos II ang pagpapababa ng presyo ng bigas tungong P20. Ito raw ang uunahin niya sa panahong siya ay manalo. Tulad ng mga nauna sa kanya, nakalista lamang sa tubig ang pangakong ito. Kaisa ng masang Bikolano at ng buong sambayanang Pilipino ang NDF-Bikol […]
Itakwil ang pahirap, palpak, at anti-magsasakang rehimeng US-BBM!
Sinasaluduhan ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) sa Lambak ng Cagayan ang buong sektor sa agrikultura hindi lamang sa Buwan ng mga Pesante kundi sa araw-araw nitong pagtitiyak na may pagkain sa mesa ang bawat pamilyang Pilipino. Pinagpupugayan din ng PKM ang mga magsasakang bayani at martir na buong pusong nag-alay ng kanilang buhay […]
Ilehitimong rehimeng US-BBM, bagsak ang grado sa unang mahigit isandaang araw
Sa simula’t sapul, malinaw na sa taumbayan na walang ibang aasahan sa ikalawang rehimeng US-Marcos kung hindi lubos pang pagsahol at pagdausdos ng kalagayang pang-ekonomiya at pampulitika sa ating bansa. Agad naman itong pinatunayan ni Pangulong Bongbong Marcos sa unang mahigit isandaang araw ng kanyang ilehitimong rehimen. Neoliberal na patakaran sa ekonomiya Pagkaupong-pagkaupo pa lamang […]
Digmang bayan, solusyon sa kagutuman at kahirapan!
Oras-oras, minu-minuto, nakikipagbuno ang malawak na hanay ng mamamayang Pilipino laban sa kagutuman. Sa kalunsuran, hindi na maipag-iba sa pagkain ng hayop ang pagpag o tira-tirang pagkaing pantawid-gutom ng maralitang lunsod. Sa kanayunan naman, hindi man lamang natitikman ng mismong mga tagapaglikha ng pagkain ang kanilang pinaghihirapan. Sa kada araw na pakikipagtagisan sa kahirapan, literal […]