Mga artikulo sa Pilipino (Articles in Pilipino)

Tutulan at labanan ang dayuhang eksplorasyon ng langis sa Palawan
October 20, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Salamin ng masahol na pangangayupapa ng rehimeng Marcos II sa mga imperyalistang kapangyarihan at mga monopolyo kapitalistang dayuhan at mamumuhunan ang pagpapahintulot sa oil drilling operations sa Cadlao oil field sa Palawan. Pangangasiwaan ito ng Sacgasco, kumpanyang Australian na nag-oopereyt sa bansa bilang Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd. at magsisimula sa unang hati ng 2023. […]

JCA, alagad ng Marcos-Duterte, tambalan ng mga pasista at mandarambong
October 20, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Insulto para sa mamamayang Palaweño ang pagkakatalaga kay 2nd district congressman at dating governor Jose Chaves Alvarez (JCA) bilang pangulo ng paksyong Cusi sa PDP-Laban. Naganap ito sa gitna ng di na mabatang krisis na dinaranas ng mamamayang Pilipino na pinalala ng tiranikong paghahari ni Rodrigo Duterte at ngayon, sa ilalim ng naghaharing pangkating Marcos-Duterte. […]

Itigil ang panganganyon at pambobomba sa Mindoro!
October 20, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Dapat singilin ang ilehitimong rehimeng US-Marcos II at ang utusang aso nitong 203rd Brigade – Armed Forces of the Philippines (203rd Bde) sa kaso ng panganganyon sa Mansalay, Oriental Mindoro nitong Martes, Oktubre 18. Ayon sa ulat ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC – NPA – Mindoro), tatlong beses nagpasabog ng […]

Bukas na liham sa mga sundalo at pulis na naka deploy sa Masbate mula kay Ka Luz Del Mar, tagapagsalita ng JRC- BHB Masbate
October 20, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Taos pusong pakikiramay ang ipinapaabot ng Jose Rapsing command-BHB Masbate sa inyong hanay, laluna na sa mga pamilya’t kaanak ng inyong kasamahan na napaslang sa kalunus-lunus na aksidenteng naganap sa Brgy. Buensuerte, Uson, Masbate. Nabatid ng JRC-BHB Masbate na walo ang namatay habang anim ang sugatan matapos pumutok ang gulong ng sasakyan at bumangga sa […]

AFP-PNP, tigilan na ang pang-aatake sa mga kagawad ng midya!
October 19, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Wala talagang patawad ang pagkaberdugo ng mersenaryong hukbo. Kahit ang pagkakapaslang sa mamamahayag na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa ay ginamit nilang tuntungan para pailalim na makapangharas at maiparamdam ang kanilang pagmamanman sa mga kagawad ng midya. Ilang mga mamamahayag ang nagsiwalat na pinuntahan sila ng mga hindi unipormadong pulis sa kanilang mga pribadong tirahan […]