Pahayag

Apat na tropa ng 43rd IB, patay sa operasyong haras ng BHB laban sa FMO sa Calbayog!

,

Apat na sundalo ang napatay habang tatlo pa ang sugatan nang harasin ng Bagong Hukbong Bayan-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command o BHB-AOC) ang mga tropa ng 43rd Infantry Battalion na nagsasagawa ng nakapokus na operasyong militar o FMO sa Oquendo District, Calbayog City noong Mayo 24 bandang alas-9:26 ng umaga.

Sa ulat ng BHB-AOC, gumamit ang isang iskwad nito ng command-detonated explosive (CDX) upang unang paputukan ang 14 na tropa ng 43rd IB na bahagi ng naglulunsad ng FMO sa pagitan ng Brgy. Dawo at Brgy. Bayo. Nakaatras nang walang kaswalti ang mga Pulang mandirigma.

Nagsisinungaling sa publiko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nang mag-ulat itong maraming kaswalti ang BHB-AOC. Pinagtatakpan nito ang sariling pinsala gayundin ang pagkagulantang at malinaw na pagkatalo sa sorpresang atake ng mga Pulang mandirigma. Nakapandidiri ang pagtanggi ng mga upisyal ng AFP sa kanilang pitong kaswalti, na pagyurak sa sarili nilang mga tauhan.

Sinasaluduhan ng mga rebolusyunaryong pwersa at ng mamamayan ang BHB-AOC sa kanilang matagumpay na taktikal na opensiba laban sa 43rd IB. Isa itong bigwas ng taumbayan laban sa 400-lakas tauhan na FMO na naggagalugad sa Oquendo District. Pinatunayan ng BHB-AOC na sa harap ng pinagkaisang lakas ng hukbong bayan at masa, walang katuturan ang mabangis, magastos at anti-mamamayang kontra-rebolusyunaryong gyera ng rehimeng Duterte.

Nananawagan ang mamamayan sa lahat ng yunit ng BHB sa Eastern Visayas na lalong paigtingin ang mga taktikal na opensiba laban sa mga pasistang tropa ng AFP-PNP. Bahagi ito ng daluyong ng protesta ng malawak na masang Pilipino upang tapusin ang tiranikong paghahari ng pahirap, kurakot at traydor na rehimeng Duterte.#

Apat na tropa ng 43rd IB, patay sa operasyong haras ng BHB laban sa FMO sa Calbayog!