Pahayag

Aset ng ISAFP at isang traydor sa rebolusyonaryong kilusan, patay sa magkaibang operasyon ng Special Partisan Unit (SPARU) ng RJPC-NPA

Matagumpay na isinakatuparan ng Special Partisan Unit (SPARU) ng Roselyn Jean Pelle Command – NPA (RJPC-NPA) ang parusang kamatayan nina Jerome Ceballos at Alex Cunanan sa Sitio Singko, Barangay Gawahaon, Victorias City, noong Hulyo 10, 2026. Ginawa ang nasabing parusa kay Ceballos alas 5 ng umaga habang si Cunanan naman bandang alas 7 ng umaga. Nakuha mula kay Ceballos ang isang .45 na baril at isang shotgun at .45 na baril naman mula kay Cunanan.

Si Jerome Ceballos ay 59 anyos na residente ng Barangay Bata, Bacolod City. Nagsilbi siyang espiya ng tropa militar partikular na sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na naatasan na makipag-ugnay at magkunwaring alyado ng kilusan, at magmanman sa mga kilos ng mga pulang mandirigma sa erya. Isa siya sa responsable sa nangyaring masaker ng Toboso 19 noong Abril 19, 2026 kung saan 10 pulang mandirigma at 9 na sibilyan ang nasawi. Siya rin ang responsable sa pag-abdak at pagpatay sa dalawang kadre ng Partido sa rehiyon na sina Nonoy “Ka Jojo” Ponteras at Marissa “Ka Renz” Pobresa noong 2024.

Baril, magasin, mga bala at kagamitang nakumpiska mula kay Ceballos.

Sa kabilang banda, si Alex Cunanan ay 58-anyos na traydor sa rebolusyonaryong kilusan. Taong 1980s ay sumampa ito bilang pultaymer ng New People’s Army (NPA) ngunit kalaunan ay nagpahinga ito. Dahil hindi niya totoong naintindihan ang ipinaglalaban ng kilusan at hindi niya rin naiwaksi ang indibidwalismong pananaw at gawi, tuluyan itong nagtraydor at hanggang sa huling hininga ay ipinagkanulo niya ang mga kilalang mga rebolusyonaryong pwersa. Siya mismo ang gumagabay sa mga tropa militar na nagsasagawa ng operasyon militar sa Barangay Gawahon, Victorias City at Barangay San Isidro, EB Magalona.

Mga armas at kagamitang nakumpiska kay Cunanan.

Nagsilbi rin siyang tauhan ng panginoong maylupa na sina Man-man Co at Jona Co na kilalang nangangamkam ng kalupaan ng mga magsasaka. Partikular sa erya, siya ang nananakot sa mga magsasaka upang lisanin nila ang kanilang mga tirahan at lupa. Sinisira niya ang mga pananim nila hanggang sa tuluyang mawasak ang mga hanapbuhay ng mga magsasaka.

Kahit gaano pa katagal ang krimen na ginawa ng mga intel asset, kriminal at traydor sa rebolusyon, hindi ito malilimutan ng buong rebolusyonaryong kilusan. Sa abot ng makakaya ay sisikapin ng mga pulang mandirigma na maningil sa mga inutang nilang dugo at mabigyan ng hustisya ang nga biktima nila. Sa abot ng makakaya, ipatutupad ng mga Pulang mandirigma ang mga atas ng hukumang bayan para mabigyan ng hustisya ang malawak na masa na biktima ng terorismo at pananalasa ng militar at iba pang pwersa ng estado.

Aset ng ISAFP at isang traydor sa rebolusyonaryong kilusan, patay sa magkaibang operasyon ng Special Partisan Unit (SPARU) ng RJPC-NPA