Pahayag

Artista ng sambayanan, isulong ang kulturang pambansa, siyentipiko at makamasa! Kamtin ang tagumpay ng rebolusyong pangkultura! Ipagdiwang ang ika-38 anibersaryo ng Artista at Manunulat ng Sambayanan!

Noong Enero 13, 2025 ay mapula nating ginunita at pinagdiwang ang anibersaryo ng pagkakatatag ng Artista at Manunulat ng Samabayanan.

Lumilikha ng higit na matitinding krisis at nag-iiwan ng dungis sa ating kultura ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo sa lipunan bilang mga salot at ugat ng kahirapan. Lugmok ang ating ekonomiya at patuloy na ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin at habang hindi pa rin nakakamtan ng mga manggagawa ang nakabubuhay na sahod. Wala pa ring pambansang industriya para bigyan ng trabaho ang mamamayang Pilipino.

Sa mga kabataang estudyante, krisis rin ang pagpapanatili ng isang kolonyalisado, komersiyalisado at represibong tipo ng edukasyon.

Patuloy naman na hinahamon ang mga taong simbahan na talikuran ang pyudal at represibo nitong katangian at lumahok sa pakikibaka ng mamamayan para tunay na isabuhay ang naging buhay at kamatayan ni Kristo.

Mula rito, lumalaganap at namamayagpag ang dekadente at burgis na kultura sa hanay ng mamamayan. Napapatunayan lamang ng mga ganitong gawi ang kabulukan ng mga sistemang pinaiiral ng mga sakim at ganid sa kapangyarihan. Habang hawak nila sa kanilang mga kamay ang kakayahang baluktutin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagmamay-ari sa dominanteng midya, pagkakaroon ng puwesto sa gubyerno, at pagiging maimpluwensuyang personalidad mananatali ang mga censorship, kamatayan sa kalayaan sa pamamahayag, laganap na red-tagging, patuloy na pagtaas ng bilang ng mga desaparecidos, iba pang pag-apak sa karapatang pantao ng mga Pilipino at ang kultura ng walang pananagutan.

Dahil rito, hindi mauupos ang apoy ng pagngingitngit ng puso ng mga rebolusyonaryo at manggagawang pangkultura. Tangan-tangan ang prinsipyo ng Marxismo, Leninismo at Maoismo, mananatiling nakatayo ang ARMAS-MC para panindigan at gampan ang tungkulin nito sa pagsusulong ng rebolusyong pangkultura. Sa paglikha ng sining na lapit sa puso ng masa at pagpanday sa kulturang pambansa, siyentipiko, at makamasa, maraming bagay na ang napagtagumpayan ng ating sama-sama at kolektibong pag-okupa sa mga espasyo kung saan tayo kinakailangan. Nagpapatuloy ang organisasyong magwasto at umigpaw pasulong sa mga binabakang kontradiksyon.

Hinding-hindi mawawaglit sa ating diwa ang mga inialay na buhay at sakripisyo ng mga martir ng rebolusyon tulad nina Paulo “Ka Isko” Cruz, Kerima Tariman, Erickson Acosta at marami pang iba. Atin silang pagpugayan sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang sinimulan at hinawan na daan.

Walang patid nating ipapakilala ang lagay ng ating lipunan. Lalagyan natin ng mukha ang mga dahilan ng kanilang paghihikahos. Ipapakilala natin sa kanila ang sagot sa kahirapan—ang matagalang digmang bayan. Ipapakilala natin na posible ang isang lipunang walang nagsasamantala.

Hindi magtatagal at darating din ang pagpula ng silangan na siyang hudyat ng ating tagumpay! Tayong mga artista ng bayan ay may tungkuling higit pa sa paglapat ng tinta sa papel at paglikha ng tono at paglapat ng liriko sa nota. Buong tatag din nating lahukan ang armadong pakikibaka at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Kaya mga artista, manunulat, manggagawang pangkultura, tanganan ninyo ang inyong mga panulat, brotsa, at armas na maglilingkod sa masang api!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang National Democratic Front!

Mabuhay ang New Peoples Army!

Mabuhay ang Reblusyonaryong Mithiin ng sambayang Pilipino!

Mabuhay ang Artista at Manunulat ng Bayan!

Pagpupugay kay Marlon Caacbay, Martir ng Sambayanan!

Artista ng sambayanan, isulong ang kulturang pambansa, siyentipiko at makamasa! Kamtin ang tagumpay ng rebolusyong pangkultura! Ipagdiwang ang ika-38 anibersaryo ng Artista at Manunulat ng Sambayanan!